Tagumpay ang ONIC Esports sa unang harapan nila kontra Geek Fam ID sa ikatlong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).
Isa ang ONIC Esports sa mga koponang inaasahang mangingibabaw sa gumugulong na season ng liga, pero kasalukuyan silang namamalagi sa ika-apat na puwesto ng standings. Buti na lang ay nakapagpakitang-gilas si Thomas “SamoHT” Obadja bago matapos ang nakaraang linggo para mapabuti ang posibilidad nilang makatapak sa upper bracket ng playoffs.
Kadita ni SamoHT nagpasabog para sa ONIC Esports
Winalis ng ONIC Esports ang Geek Fam ID sa kanilang paghaharap.
Bagamat hindi basta-basta nagpadaig ang kanilang kalaban noong ikalawang mapa ng serye, tiniyak ni SamoHT na hindi na hahaba pa ang laban.
Sa unang 11 minuto ng bakbakan naghasik ng lagim sa mapa ang Kadita ng midlaner. Nakatulong ito para mabigyan ng sapat na space ang Beatrix ni Calvin “CW” Winata para makapag-farm.
Dahil dito, nagawang iselyo ng ONIC Esports ang panalo pagdating ng late game. Kinilalang MVP ang Kadita ni SamoHT natapos magtala ng 71% kill participation.
Susunod na kakaharapin ng ONIC Esports ang Bigetron Alpha sa Biyernes, ikalawa ng Setyembre, at Alter Ego naman sa Linggo.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Beatrix ni Haizz bumida sa panalo ng Rebellion Zion kontra RRQ Hoshi sa MPL ID S10