Opisyal nang dadalhin ni Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna ang titulong regular season Most Valuable Player matapos makalawit ang indibidwal na parangal ngayong MPL Philippines Season 10. Maidadagdag ang nasabing gantimpala sa mahabang listahan ng mga nakamit ng The Queen sa kaniyang makulay na karera sa Mobile Legends pro play.

At sa pagtanggap ng Blacklist International captain ng titulo, nagpadala siya ng maikli ngunit malaman na pasasalamat sa kaniyang mga taga-suporta sa kaniyang Facebook page.


OhMyV33NUS: From being a rookie in MPL Season 4, now we’re here!

Credit: MPL Philippines

Umulan ng papuri para kay OhMyV33NUS matapos ianunsyo ng liga na siya ang hinirang bilang season MVP ngayong Season 10. Sumandal ang kaniyang nominasyon hindi lamang dahil hawak niya ang league-best 327 total assists, 9.62 assists per game at 80% kill participation.

Malaki ring bahagi ang kaniyang shot-calling sa laro kung saan talagang nakilala ang Blacklist support player.

Credit: OhMyV33NUS

Kasabay nito, sinuklian ng The Queen ang mga komento ng pag-suporta sa isang Facebook post. Aniya, hindi raw niya inasahan na makukuha niya ang presitihiyosong award lalo pa’t tank/support ang kaniyang role sa laro. Ngayong nakamit na niya ito, taos-puso ang kaniyang pasasalamat sa mga nanatiling tiwala sa kaniyang kalibre.

“Salamat sa community for welcoming a barbie tank~ and for appreciating the shotcalls made inside the game,” sulat ng M3 World Champion sa nasabing post.

“This is for the fans, Wise Gaming and of course, to my family! ????“, pagtatapos ni OhMyV33NUS.

Credit: MPL Philippines

Ulo ang The Queen sa kampanya ng Blacklist International para makamit ang number one seeding matapos ang MPL Philippines Season 10 regular season. Sa tulong niya, nakuha ng koponan ang season-best 29 points mula sa 9-5 kartada.

Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng teams na lalahok sa M4 World Championship