Matagal nang solidong hero si Ruby para sa mga EXP laners at roamers sa Mobile Legends: Bang Bang, sa professional o ranked games man.
Bagamat kulang sa damage ang fighter-tank, pinupunan niya ito ng kanyang nakakagambalang skill set na binubuo ng low-cooldown crowd controls kasama pa ang matinding lifesteal at dash ability mula sa kanyang Let’s Dance! passive. Gamit ang mga ‘to, mas gusto niya ang mahahabang team fights.
Nakaka-slow ng mga kalaban ang Be good! (1st skill) habang ang Don’t run, Wolf King! (2nd skill) ay nakaka-stun at nakakapigil ng cast animations kaya napuputol nito ang skill combos. Kaya niya ring hilahin ang mga kalaban gamit ang I’m offended! ultimate at isabay ito sa Flicker para lalo silang mapalayo.
Kung gusto mong pigilan ang kanyang pagsasayaw, narito ang tatlong heroes na kayang gawin ‘yon.
3 heroes na pangontra kay Ruby sa Mobile Legends
Kaja
Literal na kayang pigilan ni Kaja si Ruby sa kanyang pagsasayaw sa pamamagitan ng paggapos sa kanya gamit ang Divine Judgment ultimate.
Maaari mo itong gamitin pang-initiate o pang-counter-initiate. Siguraduhing makipag-usap sa iyong mga kakampi para mabitaw nila ang burst damage habang hawak mo siya. Laging i-cast ang Ring of Order at Lightning Bomb sa kanyang daanan para ma-slow siya ng Wrath Sanction passive.
Kung naglalaro ka bilang side laner at gusto ng magic type build, bumili ng Necklace of Durance. Kung roamer ka naman, bumili ng Dominance Ice.
- Gusion Guide ni ECHO Sanji: Item build, emblem, battle spell, at combo
- 3 best counters kay Moskov sa Mobile Legends
Valir
Sakit ng ulo si Valir para kay Ruby dahil sa kanyang spells na may knockback, slow, at stun effects. Dagdag pa rito ang kanyang ultimate na hindi lang nakakapagpalakas ng kanyang skills kundi nakakatanggal din ng debuffs at nagbibigay ng karagdagang movement speed.
Kapag nagawang makalapit ni Ruby, itulak mo siya gamit ang Searing Torrent at patuloy na tamaan ng Burst Fireball para ma-activate ang additional damage at stun mula sa Ashing passive. Maging alerto sa paggamit ng Vengeance Flame para hindi mahila ng kanyang I’m offended!
Pagkatapos bumili ng upgraded Boots at Ice Queen Wand, bumuo ng Necklace of Durance para bawasan ang kanyang lifesteal.
Phoveus
Ang bangungot ng bawat hero na may maraming blinks o dashes, kayang-kayang kontrahin ni Phoveus si Ruby.
Madaling niyang nati-trigger ang Demonic Force ultimate. Gamitin ito sa tuwing siya ay nagda-dash at ipukpok ang Malefic Terror sa pagitan ng mga talon para makakuha ng shield at karagdagang movement speed. Kung ayaw niyang gamitin ang kanyang dash, pilitin mo siyang gumalaw gamit ang Astaros Eye o kaya Flameshot.
Kumuha ng Necklace of Durance kung damage build o kaya naman Dominance Ice kung kailangan mong tumangke para sa iyong mga kakampi.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mas marami pang MLBB guides, news, at highlights.