Pambihirang team play at macro mechanics ang ipinamalas ng RSG Slate PH para ibaon ang ONIC Philippines sa 3-0, at umarangkada papunta sa Upper Bracket Semifinals ng MPL Philippines Season 11 Playoffs.

Hindi pinaporma ng Raiders ang Yellow Hedgehog team na kinaladkad nila sa kabuuan ng serye sa likod ng swabeng play ni Eman “EMANN” Sangco para manatili sa top four sa ikatlong sunod na pagkakataon.


EMANN at 1rrad nagningning, RSG Slate PH winalis ang ONIC PH

Credit: MPL Philippines

Maagang pinainit ni EMANN ang makinarya ng RSG Slate PH sa pamamagitan ng magilas niyang hawak sa Karrie na pumukol ng 7/0/2 KDA para itumba ang ONIC sa lampas lamang sa 15-minuto.

Sinundan ng RSG Gold laner ang magilas na performance sa unang mapa nang hawakan niya ang paborito niyang Beatrix sa game two. Katuwang ang Hayabusa ni John “Irrad” Abarquez, tinulungan ni EMANN ang Radiers na makalawit ang tagumpay sa ika-18 minuto.

Nagtala ng sumatotal na 15/3/19 KDA para mabaon ang ONIC sa 2-0 bangin.

Hindi na lumingon pabalik ang RSG Slate PH na tinuluyan ang hanay ni Nowee “Ryota” Macasa sa game three. Walang nagawa sina Ryota sa lakas ng Melissa ni EMANN na tinulungan pa ng mabangis na Arlott ni Nathanael “Nathzz” Estrologo para ipako ang 16-4 kill score demolisyon.

Naglista ng magkasunod 7/0/3 at 5/0/6 KDA ang dalawang sidelaners ng Raiders para ikasa ang dikdikan kontra sa M4 World Champions ECHO sa round 2 ng playoffs.

Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philppines!

BASAHIN: EDWARD, Blacklist giniba ang Omega para umangat sa UB Semis ng MPL PH S11 Playoffs