Seryosong ang pagtutok ng RSG Slate MY sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia Season 11 (MPL MY S11). Sisiguraduhin nilang maipapakita nila ang kanilang husay matapos talunin ng Team HAQ at TODAK noong nakaraang season.
Nagkaroon din sila ng maraming pagbabago para sa mas mainam na resulta. Kung titignan ay mas huling magsisimula ang MPL MY kaysa sa Indonesia at Pilipinas, kung kaya’t nagsisimula pa lamang na ipakita ng bawat koponan ang kani-kanilang rosters.
Kamakailan ay inanunsyo ng RSG Slate MY ang mga miyembro nito. Mayroong dalawang pangalan na lubos na nangingibabaw sa koponan, si Muhammad “Rippo” Halim na sa wakas ay bumalik na sa kanyang bayanm mula sa Indonesia, at isa pang player mula sa Indonesia.
Ang player ay isang dating roamer mula sa OPI Esports, si Chrisphobia na ngayon ay mas kilala bilang Chrisxyz. Makikita ang player na ito sa larawan na inilabas ng RSG Slate MY para sa season 11.
Rippo lalaban para sa RSG Slate MY
Ang pagbabalik sa Malaysia ang naging pinakamahusay na desisyon para sa dating player ng Bigetron Alpha. Matapos mabigong makipagkumpitensya kay Xorizo sa MPL ID S10 at pagiging backup lamang, napagtanto niyang kailangan niyang muling hasain ang kanyang kakayahan.
Ang RSG Slate MY ay isang magandang option para kay Rippo dahil siya ay nasa isang lugar kung saan mas komportable dahil siya ay nasa sarili niyang bansa.
Maging sa MPL MY, maibabahagi ni Rippo ang kaalamang natamo niya sa Indonesia sa nakalipas na ilang taon. Bukod dito, sa pangkalahatan, ang hanay ng RSG Slate MY ay talagang malakas at kinabibilangan ng mga eksperyensadong manlalaro.
Ang kanilang target sa komposisyong ito ay ang muling maging kampeon. Si Rippo ang magiging pinuno ng team na kinabibilangan din nina Irish, Linkezaa, Izanami, Lolealz, at Zaed.
RSG Slate MY nagpasok ng mga Indonesian players
Isa pang pangalan na kapansin-pansin sa hanay ng RSG Slate MY ay si Chrisxyz. Siya ay isang dating mainstay roamer ng OPI Esports sa nakaraang MDL na kilala bilang Chrisphobia.
Mula sa MDL ay tumalon siya papuntang MPL MY na isang malaking hakbang para sa kanya. Ito rin ang lugar para patunayan ang kanyang kakayahan sa competitive scene.
Si Chrisxyz ang ikatlong Indonesian player na inanunsyo sa MPL MY, matapos pumasok sina Warlord at Barbossa sa Homebois.
Inaabangan pa ng marami kung may ibang Malaysian teams pa ang magpapakilala ng mga Indonesian players sa kanilang roster.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.