Matagumpay na bubuksan ng RSG SG ang kanilang kampanya sa M4 World Championship. Ito ay matapos lusutan ng MPL Singapore Season 4 champions ang matikas na Occupy Thrones sa unang best-of-one na itinampok sa Day 2 ng Group Stage.
Desimuladong galaw ng RSG SG sapat para patumbahin ang OT sa late game
Dikdikan ang bakbkan hanggang dulo, ngunit hindi umubra ang komposisyon ng OT sa kargang kontrol ng Yve ni Amos Ng “505” Jin Rui na tumulong kuhanin ang mahalagang team fight win sa ika-20 minuto. Epektibo nitong binuksan ang Lord objective para sa kaniyang hanay at bigyang-daan ang martsa nila para basagin ang base ng kalaban.
Pumukol ang RSG SG roamer ng 4/2/7 KDA katuwang ang 78.6% kill participation para hiranging MVP of the Game.
Nakuha ng Singaporeans ang maagang kalamangan dala ng agresyon ng Fredrinn ni Yeo “Diablo” Lun na hindi nag-atubiling harapin ang damage output ng MPL MENA champions upang mabigyang-puwang ang objective takes ng kaniyang hanay.
Hindi naman sinayang ni Brayden “BRAYYY” Teo ang pagkakataong ito sapagkat muli’t-muli niyang nakuha ang macro objectives hawak ang jungler Martis para buksan ang 4k gold lead ng team sa loob ng 8 minutes.
Tinangka ng RSG SG na kumatok sa base ng kalaban pagdako ng midgame ngunit tumindig ang Occupy Thrones sa likod ng epektibong wave clear ng kanilang Beatrix at Xavier.
Nagkaroon ng pagkakataon ang MENA team na kuhanin ang momentum sa kanilang panig nang makuha nila ang 2-for-none trade sa ika-19 minuto kung saan napitas sina BRAYYY at Diablo. Gayunpaman, tila nangatog ang koponan sa krusyal na laban sa palibot ng Evolved Lord dahil natagpuan ng RSG SG damage dealers sina Ahmed “Gado” Gado (Beatrix) katuwang si Amr “Maro” Khaled (Kadita) para sa 2-for-none.
Dito na inapakan ng mga taga-Singapore ang pedal para tapusin ang laban sa ika-21 minuto.
Sa panalo, makakapondo ang RSG SG ng puntos para makuha ang inaasam na top spot sa Group C.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: M4 Group Stage: Todak ginulat sina Kairi at ONIC ID, undefeated sa Day 1