Hindi swabe ang naging entrada ng defending champions ng MPL Philippines, ngunit hindi rin naman tumagal ang kanilang pagkakalugmok. Mabilis ang naging recovery ng RSG Philippines ngayon season, at nagmumukhang matinding contender na rin para sa kampeonato. Ang kinaibahan ngayong season, gamit na gamit ang kanilang mga sub player at nagbibigay ng kakaibang timpla sa laruan ng RSG Philippines.
Balikan ang mga naging bakbakan ng RSG PH sa regular season ng MPL PH S10.
RSG 2-0 NXPE
Tinapos ng RSG Philippines ang Regular Season sa isang dominanteng panalo sa NXPE ng 2-0.
RSG 2-1 Blacklist International
Hindi pinayagan ni Eman “EMANN” Sangco na makaisa muli sa kaniyang RSG PH ang dekoradong Blacklist International matapos pumukol ng dalawang perpektong laro para sungkitin ang panalo sa inantabayanang matchup sa Week 8 ng MPL Philippines Season 10.
Malaking problema ang idinulot ng kaniyang Karrie sa game one at Melissa naman sa game three sa mga miyembro ng BLCK na muli’t-muli niyang pinaulanan ng damage sa backlines sa tulong ng magandang team fight composition ng kaniyang team.
RSG 2-1 ECHO
Nakilala ang koponan ng Smart Omega sa kanilang bangis sa magugulong team fights, tapang sa mga shotcall, at ang karga nilang lason pagdako ng late game. Ngunit kontra ONIC Philippines sa Week 7 Day 2 series ng MPL Philippines Season 10, ipinakita ng Baranggay ang ibang dimensyon ng kanilang laro. Basahin: Ganito kalinis ang laro ni Kelra na tumulong sa Smart Omega mapatumba ang ONIC PH
RSG 0-2 ONIC Philippines
Bumida si star roamer Joshua “Ch4knu” Mangilog sa kanyang signature Grock para mapadapa muli ng Smart Omega ang Nexplay EVOS, 2-1, at maselyo ang kanilang pwesto sa playoffs ng MPL PH S10.
Isang malupit na setup play mula kay “Chakmamba” ang nagbigay-daan upang matuldukan ng Barangay Omega ang reverse sweep sa napakaimportanteng serye para sa parehong koponan.
RSG 2-1 TNC
Pagkaraan ng heartbreaker kontra ECHO sa Day 2, manunumbalik sa winners column ang Smart Omega bilang panapos sa Week 6 ng MPL Philippines Season 10. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapadapa nila sa TNC Pro Team ML na ginapi nila sa dikdikang game 3 para mailista ang 2-1 tagumpay.
Nakauna man ang Phoenix Army sa nasabing serye ay hindi na pinayagan ng Barangay na makaisa muli ang katunggali na nag-aagaw buhay mula sa playoff contention. Sumandal ang OMG sa tikas ng Ruby ni Deomark “Mikko” Tabangay sa game two habang Claude ni Duane “Kelra” Pillas ang nagpakitang-gilas sa closer.
BASAHIN: Pasabog na late game magic muli ang isinalang ng Smart Omega para gapiin ang TNC
RSG 2-0 OMG
Kakaibang-lebel ng mechanics at decision-making ang ipinamalas ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno para tulungan ang kaniyang ECHO na iligpit ang matikas na Smart Omega sa inantabayanang matchup sa Week 6 Day 2 ng MPL Philippines Season 10 regular season.
Milagrosong plays sa Julian ang ipinamalas ng ECHO jungler sa opener para baliktarin ang laro para sa kanilang panig. Dito rin bumangko ang koponan para tuluyan ang mga katunggali sa loob lamang ng 11 minuto.
BASAHIN: Alamin kung paano binaliktad ni KarlTzy ang tadhana ng ECHO kontra OMG
RSG 1-2 Blacklist International
Hindi bigo ang mga miron na tumutok sa dikdikan ng magkaribal na Blacklist International at Smart Omega sa Week 5 Day 2 ng MPL Philippines Season 10 regular season. Epiko ang tatlong larong kinatampukan ng dalawang bigating teams kung saan kalaunan ay nakalawit ng Omega ang inasam na paghihiganti mula sa Week 1 pagkagapi.
Pagkaraan ng serye, hinarap ni Coach Jaime “Pakba1ts” Abalos ang media kung saan idinetalye niya ang karanasan at kinailangang preparasyon ng OMG para makuha ang tagumpay sa madikit na serye. Kasama sa napasadahan ng beteranong coach ang nangyareng draft kaharap ang mahigpit na katunggali.
BASAHIN: Bakit nasabi ni OMG Coach Pakba1ts na ‘predicted’ nila ang draft ng Blacklist? Ito ang ebidensyas
RSG 2-0 ECHO Philippines
Bumawi ang RSG PH laban sa karibal na Smart Omega sa pamamagitan din ng isang 2-0 sweep sa pagsisimula ng second half ng regular season sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Matatandaang winalis ng Season 9 runner-up ang defending champion sa kanilang unang MPL PH finals rematch ngayong season kaya naman gigil umano ang Raiders sa unang serye ng ikalimang linggo ng liga, ayon mismo sa kanilang jungler na si Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto.
BASAHIN: Bakit gigil ang RSG PH kontra Omega sa unang serye ng Week 5? Ito ang paliwanag ni Demonkite
RSG 2-0 NXPE
Ipinakita ni rookie jungler Kyle “KyleTzy” Sayson na pwede siyang maging susunod na Lancelot star ng Bren Esports matapos ang kanilang 2-1 reverse sweep kontra Smart Omega sa unang serye sa ikaapat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Pagkatapos magsalitan nila Joshua “Ch4knu” Mangilog at Rowgien “Owgwen” Unigo ng magandang performance sa Franco, nailabas sa wakas ni KyleTzy ang kanyang signature assassin hero sa deciding Game 3 kung saan nagpamalas siya ng perpektong laro upang pangunahan ang dominanteng panalo ng kanyang koponan.
Tila nahanap na ng Bren Esports sa anyo ng 16-year-old pro ang kanilang bagong Lancelot star player sunod kay former jungler Karl “KarlTzy” Nepomuceno, na malaki ang ginampanan sa kanilang M2 World Championship run gamit ang naturang assassin.
RSG 2-1 Bren Esports
Hindi tumigil sa pagpaslang sa world champions ang ONIC PH dahil dinamay na rin nila ang makamandag na Smart Omega sa listahan ng mga koponang tinalo nila sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Nagtapos ang ikalawang linggo ng gumugulong na season na tabla sa walong puntos ang Blacklist International, Smart Omega, at ONIC PH. Pero matapos ang ikalawang araw ng ikatlong linggo ng regular season, nagawang talunin ng mga dilaw na hedgehgog ang mga kahati nila sa top seed para pangibabawan ang standings ng liga.
BASAHIN: Matapos ang BLCK, ganito natagpuan ng ONIC PH ang lunas sa lason ng OMG
RSG 0-2 Onic Philippines
Matinding late game synergy at decision-making ang muling ipinamalas ng Smart Omega para puguin ang Nexplay EVOS, 2-0 sa unang araw ng Week 3 ng MPL Philippines Season 10 Regular Season.
Hindi pinayagan ng S9 runner ups na makaisa ang koponan ni Mico “Micophobia” Quitlong na hinapo nila sa magkasunod na 19 minute at 38 minute games.
BASAHIN: Bakit late game kings ang Smart Omega? Sagot ang serye kontra NXPE
RSG 2-0 TNC
Lumipad ang Wanwan ni star gold laner Duane “Kelra” Pillas sa mabilis na 2-0 pangwawalis ng Smart Omega kontra TNC sa huling serye ng Week 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Malahalimaw na performance ang ipinakita ni “The Filipino Savage” gamit ang Agile Tiger matapos kumana ng perpektong kill-death-assist record sa dalawang laro ng serye. Dahil dito, natulungan niya ang Barangay Omega na makuha ang back-to-back wins sa linggo at umangat sa 3-1 series win-loss.
Tumabla rin ang OMG sa Blacklist International at ONIC PH sa tuktok hawak ang 8 puntos. Samantala, patuloy ang malalang losing streak ng Phoenix Army na lumagapak sa kanilang ikaapat na sunod na 0-2 defeat.
BASAHIN: Wanwan ni Kelra kumana ng perpektong 19/0/3 KDA sa serye kontra TNC
RSG 0-2 OMEGA
Smart Omega ang maituturong salarin sa maagang pagkakatapos ng kampanya ng ECHO noong dalawang nakaraang season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).
Kaya’t nang muling magharap ang dalawang koponan sa ikalawang linggo ng MPL PH Season 10, naglabas ng bagong variant ng lineup ang ECHO para sana simulan ang pagbawi sa makamandag na koponan nina Patrick “E2MAX” Caidic.
Muling tumapak sa entablado ng liga ang beteranong si Jaypee “Jaypee” Dela Cruz bilang roamer. Inalalayan niya sina Jhonville “OUTPLAYED” Villar at Mark Justine “Zaida” Palma na bumida sa gold lane at jungle sa unang pagkakataon bilang mga miyembro ng tinaguriang Super Team.
BASAHIN: Smart Omega mas makamandag pa rin sa lineup na ‘to ng ECHO