Matapos kapusin sa MPL Philippines Season 10, handa nang bumawi ang RSG PH sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Nagtapos and Raiders sa 3rd place ng MPL PH S10 at hindi nakakuha ng slot sa M4 World Championship kaya naman gigil sila na magpasiklab sa 20-team regional tournament. Gaya sa nakakaraang taon, nagpasok sila ng bagong players.

Kapansin-pansin na wala sa MPLI 2022 roster ng RSG PH sina main five players Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto, Eman “EMANN” Sangco at Arvie “Aqua” Antonio. Sa halip, ipinasok ni Brian “Coach Panda” Lim ang rookies na sina jungler John Darry “1rrad” Abarquez at roamer John “Perkz” Sumawan maging sila veteran subs Dexter “Exort” Martinez at Clarense “Kousei” Camilo.


Ipinaliwanag ni Coach Panda kung bakit sila nagpasok ng ibang players sa RSG PH lineup para sa MPLI 2022

Coach Panda ng RSG PH
Credit: ONE Esports

Gusto umanong pagpahingahin nila Coach Panda ang mga manlalaro na nababad sa nagdaang season ng MPL PH at kasabay nito ay mabigyan na rin ng pagkakataon ang mga hindi masyadong nakalaro na magpakitang-gilas sa ONE Esports MPLI 2022.

“This MPLI is more like a “let’s have fun” moment. We are focused and serious naman but we also like to balance the players who need some rest after (MPL PH) Season 10 and also players who are gigil pa to play,” saad ng Hall of Legends inductee sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports.

Bagamat bihirang nagamit ng RSG PH sina 1rrad, Perkz, Exort at Kousei sa lokal na liga, buo pa rin ang kumpyansa ni Coach Panda sa kanila.

Credit: RSG PH

“Of course, 100% tiwala kaso what’s kulang is ‘yung experience pa. So again, this will be a good opportunity for those bagong players especially 1rrad and Perkz to actually gain experience in this tournament and grow. But overall, their mechanics and talent are really top notch so I’m excited to see how it turns out.”

Asam ni Coach Panda na makatuklas ulit ng malaking potensyal sa mga bagong manlalaro na sasabak, gaya ng kung paano niya nakita ang talento ni MSC 2022 Finals MVP EMMAN noon sa MPLI 2021.

Screenshot ni Calvin Trilles/ONE Esports

“For that time, it was really like, ‘Sige let’s give EMANN a chance he didn’t get to play.’ And at that time, he’s not even a gold laner but a jungler, and he only knows to play two heroes lang–Claude and Natan. That’s where I saw his potential as a gold laner. And that’s where it all started for him.”

Hindi naman nababahala ang beteranong coach sa chemistry ng koponan dahil narito naman sina first five mainstays Dylan “Light” Catipon at Nathanael “Nathzz” Estrologo para gabayan ang kanilang mga kakampi.

“The OG players like Light and Nathzz they’re really helping the other players,” wika niya. “It’s really good to see the OG players excited to play with the new players and the new players learning a lot from the OG players. I’m really happy with what I’m seeing from them right now.”

Credit: MPL Philippines

At kahit nag-iba man ang itsura ng kanilang lineup ngayon, siguradong ibibigay pa rin ng RSG PH ang lahat ng makakaya nila sa MPLI 2022.

“RSG PH will show you ang bagong youth energy and unlike what you saw in our MSC or MPL PH Season 10 lineup where it’s all about the main five players, this time it will be a new truck around the neighborhood driving around the house. So win or lose, just support us, expect a good game because as much as possible we tell them to play their best without regrets,” wika ni Coach Panda.

Maaari niyong i-check ang schedule at resulta ng mga laban ng RSG PH sa link na ito.


Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.