Matapos kumana ng back-to-back championship sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Singapore (MPL SG), kumpiyansang papasok sina Yeo “Diablo” Wee Lun at buong RSG SG sa ONE Esports MPL Invitational 2022 (MPLI 2022).

Gayunpaman, hindi magiging madali ang pagdaraanan nina RSG Diablo. Isang linggo kasi bago ang MPLI, nagbagsak ang Moonton ng balance adjustments sa MLBB patch 1.7.20.

‘Di man kasing laki ang patch tulad ng mga inilalabas kada buwan, sapat pa irn ito para i-udyok ang mga koponan na bisitahin muli ang mga inihanda nilang baon para sa turneo—at hindi exempted ang Singaporean team dito.

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, ibinahagi ni RSG Diablo ng RSG SG ang pagkakaintindi nila sa bagong patch, at kung paano nito naapektuhan ang kanilang koponan sa pagpa-practice para sa MPLI 2022.


Papalo raw ang hero na ‘to sa MPLI 2022, ani RSG Diablo

Balik sa meta raw ang fighter na 'to para sa MPLI 2022, ani RSG Diablo
Credit: ONE Esports

Ikinagulat daw niya ang mga pagbabagong hatid ng bagong patch.

“The patch was quite unexpected,” ani ng kapitan. “I didn’t even notice it until I saw the in-game mail and there were a lot of hero changes.”

Sa katunayan, nabago raw nito ang kanilang training para sa turneo.

“There are difficulties now,” paliwanag ni RSG Diablo. “There were buffed heroes that we are not used to playing so we have to try them out in case we need to pick or face them.”

Nang tanungin kung sino ang nakatanggap ng pinakamalaking buff sa pinakahuling patch, isang hero lang ang pumasok sa isip ni Diablo:

“Leomord,” sagot niya. “We’ll definitely see the hero in the jungle at MPLI 2022.”

Balik sa meta raw ang fighter na na 'to para sa MPLI 2022, ani RSG Diablo
Credit: Moonton

Isa si Leomord sa mga hero na nakatanggap ng buff ngayong patch. Pinasakit ang passive, second skill, at ultimate niya kaya isa na rin siya ngayon sa mga parating bina-ban sa mga ranked games sa Mythic ayon sa MLBB stats.

Bukod sa mga nagbabadyang Leomord picks, nagpahapyaw din si Diablo na may gagawin daw silang bago sa unang pagkakataon ngayong taon.

“We’ll definitely be using different playstyles now compared to the previous MPL, where we only had one or two game plans,” pagbubunyag ni RSG Diablo. “I would say our playstyle right now is more objective-focused, so hopefully if we try to prevent fights we might stand a chance against international teams.”

Samantala, maglalaban-laban muna ang Slate Esports, Todak, ONIC PH, at Aura Fire para malaman kung sino ang haharapin ng RSG SG sa quarterfinal ng Bracket D.


Nakatakdang ganapin ang MPLI 2022 simula ikalawa hanggang ika-anim ng Nobyembre.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Papatunayan ng Burn X Flash ang kanilang husay sa MPLI 2022