Nagsanib-puwersa ang dalawang Singaporean esports organization na RSG at Slate Esports para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) at Malaysia (MPL MY).
Ang Slate Esports, na esports arm ng Avium Esports, ay cofounded ng EVOS Esports co-founder na si Ivan Yeo. Sa partnership nng RSG at Slate Esports, ang RSG teams sa Pilipinas at Malaysia ay tatawagin nang RSG Slate PH at RSG Slate MY.
Ito ay inanunsyo matapos ang pakikipag-ugnayan ng Slate Esports sa Geek Fam para sa MPL Indonesia team nito, at pati na rin sa Dota 2. Na-brand ang dalawang koponan bilang Geek Slate bilang tanda ng partnership.
- Bakit pinili ni Rapidoot na maglaro sa MDL kaysa sa MPL?
- Jaypee pangungunahan ang ECHO Proud sa MDL PH Season 1
Ang layunin ng tambalang RSG at Slate Esports
Sa anunsyong inilabas mula sa kani-kanilang Facebook pages, ipinangako ng koponan na makatutulong ang partnership sa pagaitan ng RSG at Slate Esports para sa kanilang akmpanya patungong regional championship.
“We will continue to show off our ferocity and strength to compete in the field of esports,” sulat ng PH team. “We will continue the fight as the Kingslayers.”
Layunin ng partnership na pataasin ang tsansa nilang makamit ang championship title matapos ang kanilang pagkabigo noong nakaraang season. Nagtapos sa ikatlong puwesto ang kampanya noong ng RSG PH matapos talunin ng ECHO sa lower bracket final.
‘Di rin naging maganda ang resulta ng RSG MY noong nakaraang season matapos mag-settle sa ika-apat na puwesto. Winalis sila ng Team HAQ na kalauna’y hinirang na kampeon ng turneo.
Samanatala, nakatakda pang ianunsyo ng parehong koponan ang mga miyembrong bubuo sa kani-kanilang roster para sa susunod na MPL season.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.