Base sa nangyaring Captain’s Draft para sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022), makakaharap ng RRQ Sena ang kampeon ng MPL Philippines na Blacklist International.

Pinagtagpo ni Coach Kristoffer Ed “BON CHAN” Ricaplaza ang Geek Fam ID at RRQ Sena sa kanilang bracket, kasama na ang Orange Esports na haharapin ang Burn X Flash.

Kung makakaselyo ng dalawang magkasunod na panalo ang koponan ni Riko “Violence”, matutupad ang nais niyang makaharap ang pinakamalakas na koponan sa mundo ng MLBB sa quarterfinals ng turneo.

RRQ Violence nais makaharap ang Blacklist International sa MPLI 2022
Credit: ONE Esports

Hindi naitago ng naturang roamer ng RRQ Sena ang kanyang excitement sa nabuong bracket.

“Tentu saja kami sangat senang bisa main di MPLI 2022 (menggantikan Hoshi) karena ini adalah turnamen internasional. Saya juga punya motivasi besar untuk bisa bermain menghadapi Blacklist International,” sambit ni RRQ Violence sa ONE Esports.

(Masaya ako na makalaro sa MPLI 2022 [bilang kapalit ng RRQ Hoshi] dahil international tournament ito. May matinding motibasyon din ako para makaharap ang Blacklist International.)

Bukod dito, may simpleng dahilan din si Violence kung bakit nais niyang makaharap ang kampeon ng MPL PH Season 10, ““Soalnya kan Blacklist yang memilih kami (masuk ke dalam bracket).”

RRQ Violence nais makaharap ang Blacklist International sa MPLI 2022
RRQ SENA | Credit: ONE Esports

(Blacklist International ang pumili sa amin sa bracket.)

Alam ni RRQ Violence na hindi magiging madali na makaharap ang Blacklist International

RRQ Violence nais makaharap ang Blacklist International sa MPLI 2022
Credit: Instagram/Team RRQ

Bago pa man matupad ang nais ni RRQ Violence, mahirap-hirap pa ang kailangan nilang lakbayin. Sasalubungin kasi sila ng Geek Fam ID na may mga miyembro na naglaro noon sa MPL Indonesia Season 10.

Nagharap na ang dalawa sa group stage ng Piala Presiden Esports 2022. Nagtapos ang laban sa iskor na 1-1, patunay sa kakayahan ng dalawang koponang makipagsabayan sa isa’t-isa.

Para naman sa tsansa ng RRQ Sena na makatapak sa quarterfinal para makaharap ang Blacklist International sa MPLI 2022, inamin ni RRQ Violence na hindi ito magiging ganun kadali. Gayunpaman, hindi ito dahilan para panghinaan ng loob:

“Peluangnya 80% lah.”

(Ang tsansa namin ay 80%)


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3 offmeta heroes na maaaring magbalik bilang jungler sa MPLI 2022