Maganda ang porma ng laro ni Schevenko “Skylar” Tendean. Mabilis umangat ang kanyang career nitong nakaraang taon at itinuring siyang isa sa mga pinakamahusay na gold laner sa Indonesia.
Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin niya nagagawang maging kampeon sa international scene. Hindi rin naging sapat ang kanyang performance sa M4 World Championship upang makamit ng inaasam na tropeyo.
Kung bibilangin, ito ang ikaapat na beses na nabigo ang RRQ Hoshi na makuha ang world title. Dalawang Pinoy teams ang naging balakid kay Skylar at sa kanyang koponan.
Tinalo sila ng Blacklist International sa upper bracket. Habang sa lower bracket finals naman ay pinaluhod ng ECHO ang tinaguriang King of Kings.
May isang sandali na marahil ay matatandaan ng maraming fans, lalo na sa mga nakanood ng laban sa pagitan ng RRQ Hoshi at ECHO. Ang pag-recall ng RRQ gold laner na humantong sa kanyang pagkamatay.
RRQ Skylar ikinwento ang dahilan ng kanyang recall
Sa Game Three, nakakuha ng magandang posisyon ang Beatrix ni Skylar. Sa pagharap niya sa Karrie ni Benedict “BennyQT” Gonzales, naramdaman ni Skylar ang kanyang lamang habang paparating ang Hayabusa ng teammate na si Albert “Alberttt” Iskandar.
Kung iisipin, kayang kayang tapusin ng ultimate ni Hayabusa ang Karrie. Tumaas ang kumpyansa ni Skylar kung kaya’t naisipan nitong mang-asar sa pamamagitan ng recall.
Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng oras si BennyQT na gamitin ang Phantom Step ni Karrie upang makalapit sa Beatrix na nasa bingit na rin ng pagkakapitas, at mabigyan ito ng malaking damage mula sa passive skill na Lightwheel Mark.
Ang sandaling ito ay pinuna ng maraming viewers at streamers na nanood ng match.
Sa isang live stream, sinabi ni RRQ Skylar ang dahilan ng kanyang pag-recall laban sa ECHO.
“Naging masaya ako nung nagmintis si Yawi,” sabi niya.
“Noong nagmintis si Yawi, dumating si BennyQT. Pagbitaw ko ng ulti, nag-flicker siya palayo. Wala na ko sa range ni Karrie. Kaya ako nag-recall kasi alam kong mapapatay na siya ni Alberttt,” Paliwanag niya.
Sana ay magsilbing leksyon ang sandaling ito para sa ating lahat na hindi tama ang maging arogante, lalo na’t hindi pa tapos ang laban.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.