Nagpamalas na naman ng isang master class performance ang si EXP laner Muhammad “Lemon” Ikhsan sa Game 1 ng serye ng Rex Regum Qeon (RRQ) kontra Alter Ego sa MPL Indonesia Season 11 Week 1 Day 2.

Ipinakita ni Lemon kung paano kontrahin ang Moskov gamit ang Masha. Kung sa serye laban sa Bigetron Alpha noong Day 1 ay nagsilbi siyang taga-protekta at taga-basag ng formation, ngayon naman ay idiniin niya na kaya niya ring maglaro bilang “hunter” ng koponan.

Alamin natin kung paano pinahirapan ng 4-time MPL ID champion player ang isa sa pinakapopular na hero ngayon sa Mythic rank.


Ang emblem na ginamit ni Lemon para kay Masha

Dragon Tamer Dragon Armor Masha
Credit: Moonton

Bravery at Invasion ang pinili ni Lemon na subtalents sa Fighter emblem. Matutulungan ka nito na magdomina sa early game dulot ng physical attack at physical penetration bonuses.

Unbending Will naman ang ginamit niyang talent para lalong mapahapdi ang damage ni Masha. Swak na swak ito para sa kanya dahil sa synerygy nito sa kanyang Wild Power, na nakakabawas ng HP. Nagbibigay kasi ng karagdagang 0.25% damage (hanggang 15%) ang Unbending Will sa bawat 1% na nawawalang HP.


Item build ni Lemon para kay Masha

RRQ Lemon Game 1 MVP vs Alter Ego
Credit: MPL Indonesia

Molten Essence ang choice ng professional EXP laners kapag gumagamit ng heroes na dumidikit sa kanilang target. Bukod kasi sa dagdag HP, ang passive effect nito na Burning Soul ay may disenteng damage lalo na sa early game.

Ang sunod na item ay Guardian Helmet. Sulit na HP regeneration ang binibigay nito at ito rin ang item na nagbibigay ng pinakamalaking HP sa Land of Dawn.

Sinundan niya ito ng Twilight Armor at Thunder Belt. Tulad sa dalawang naunang core items, ang dalawang ito ay nagdadagdag ng HP at may physical defense pa. Pero ang pinakadahilan ay ang passive effects ng mga ito na nagpapakawala ng damage na nakabase sa HP.


Paano kinontra ng Masha ni Lemon ang kalabang Moskov

Credit: MPL Indonesia

Para ma-counter ang Moskov gamit ang Masha, kailangan mo munang ipanalo ang EXP lane, na hindi naman ganoon kahirap dahil may damage naman sa early game ang Masha.

Pagkatapos ng unang limang minuto, makipagpalit ng lane para i-pressure ang Moskov. Pwede mo ring i-invade ang jungle ng kalaban para pabagalin ang pag-farm ng kanilang jungler.

Sa mga team fight, magpokus sa pagpapatumba ng kahit sino na kaya mong patayin, kahit na tank pa ito. Kapag wala na silang front line, isunod mo naman ang back line nila, kasama na rito si Moskov.

Makikita sa ibaba kung paano kinontra ni Lemon ang Moskov sa kanilang serye laban sa Alter Ego.



Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin hango sa akda ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indonesia.