Isa si Muhammad “Lemon” Ikhsan sa mga masasabing icons na inaabangan ng marami sa M4 World Championship. Tuwang-tuwa ang mga fans nang mabigyan ng pagkakataon maglaro ang Acehnese player sa kanilang unang dalawing matches sa event.

Ngunit hindi naging consistent ang performance ni Lemon. Matapos buhatin ang team sa unang match laban sa Occupy Thrones gamit ang malupit na play ng kanyang Xavier, kinailangan niyang humarap sa ECHO sa ikalawang laban.

RRQ Hoshi
Credit: ONE Esports

Pinahirapan ng ECHO midlaner na si Alston “Sanji” Pabico ang Indonesian player. Wala halos nagawa ang kanyang Valentina, at nakuhanan pa ng solo kill ng Yve ni Sanji.

At dahil dito, hindi na siya nakapaglaro sa ikatlong match laban sa RSG SG. Nabigyan ng tsansang maglaro ang main midlaner ng RRQ Hoshi na si Deden “Clay” Nurhasan, na agad namang nagpakita ng magandang performance.

ECHO Sanji
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Ipinagpalagay ng maraming fans na hindi na maglalaro si Lemon sa mga susunod na laban sa M4, tulad ng nangyari noong M3 kung saan sa simula lang ng tournament naglaro ang midlaner.

RRQ Lemon may pagkakataon pang maglaro sa M4

Sa press conference ng RRQ Hoshi matapos ang kanilang panalo laban sa RSG SG, sinubukan ng ONE Esports na kunin ang panig ng team tungkol sa kasalukuyang estado ni Lemon.

Naging basehan ba ng kanyang paglalaro sa tournament ang resulta ng unang dalawang matches na nilaro niya?

RRQ Hoshi RRQ Lemon M4
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Sumagot naman ang coach ng RRQ na si Adi “Acil” Asyauri at siniguro niyang ang performamce ni Lemon ay kapantay ng mga kapwa nito players.

“Yesterday (in the first two games) Lemon was adjusting. He was arguably a two-season break. Now whoever plays whether Lemon or Clay is really purely a strategy factor,” paliwanag niya.

Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay maghintay kung makakapaglaro pa ba si Lemon, o magpapatuloy si Clay bilang mainstay sa mga susunod na laban ng King of Kings sa playoffs.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.