Nakuha ni RRQ Lemon ang spotlight sa comeback win ng kaniyang RRQ Hoshi kontra sa karibal na EVOS Legends noong February 26 sa Week 2 ng MPL Indonesia Season 11.

Gitgitan hanggang dulo ang naganap sa pagitan ng dalawang bigating teams ngunit ang mga Kings of Kings ang nakapihit ng krusyal na plays sa game three para itaob ang White Tigers.

Credit: ONE Esports

Pinangunahan ni RRQ Lemon ang atake ng kaniyang pangkat sa decider hawak ang Terizla na kinontrol ang team fights bagamat lugi ang kaniyang team sa base push.


RRQ Lemon inaming nahirapan sa dikdikan kontra EVOS Legends

Sa post-game press conference matapos ang tagumpay sa kapanapanabik na bakbakan, hindi itinago ng beteranong pro kung gaano kalakas ang White Tigers ngayong Season 11. 

Credit: ONE Esports

Banggit ni RRQ Lemon sa tanong ng ONE Esports, “The thing that makes it difficult (against EVOS) is probably the hero pool. Because there are both RRQ and EVOS hero pools, I’m confused about which one to pick and ban. That’s all,”

May basehan kung bakit nasabi ito ng RRQ legend. Maraming heroes ang binan ng EVOS sa gumulong na serye na nagpahirap sa drafting ng koponan. Kaya naman ang team, sumandal sa Claude ni Skylar na bagamat hindi top pick sa gold lane ngayon ay pinagana niya sa tatlong ulit sa kabuuan ng series.

Credit: ONE Esports

Samantala, nagawa naman ng White Tigers na makuha ang ilan sa mga META heroes tulad ng Gloo at Karrie, ngunit hindi ito sapat para makalusot kontra kina RRQ Lemon.

Sa panalo, naitala na ng RRQ Hoshi ang kanilang ika-apat na panalo sa limang laro para manatiling nasa taas ng regular season standings.

Susubukang pag-igtingin ng RRQ Hoshi ang kanilang kampanya sa Week 3 kung saan una nilang makakabangga ang Rebellion Zion.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Tazz, naglista ng 3 dahilan kung bakit magcha-champion ang EVOS Legends sa MPL ID S11