Hindi kasali sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022) ang RRQ Hoshi.
Isa sila sa dalawang MPL teams na hindi ipinadala ang kanilang main team para sa naturang turneo, bukod pa sa kampeon ng MLBB Southeast Asia Cup 2022 na RSG Philippines.
May iilang naniniwalang naghahanda ang koponan para sa M4 World Championship, pero hindi lang daw ito ang dahilan. Ito ang ibinunyag ng CEO ng RRQ Hoshi na si Andrian Pauline, na kilala rin bilang Pak AP.
Pak AP ipinaliwanag kung bakit wala ang RRQ Hoshi sa MPLI 2022
Para matuldukan ang mga agam-agam patungkol sa naging desisyon ng organisasyon, eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports si Pak AP tungkol sa hindi pagsali ng RRQ Hoshi sa MPLI 2022.
Lumalabas, wala naman pala sa dahilan ng koponan ang paghahanda para sa M4—mas nais daw nilang pagtuunan ng pansin ang kondisyon ng kanilang mga manlalaro at mahasa ang RRQ Sena.
“RRQ Hoshi tak ikut MPLI 2022 karena mereka butuh istirahat. Mereka sudah dalam titik burnout.
Kenapa burnout karena setahun ini mereka memang non-stop turnamen. Sementara saya juga ingin memberikan jam terbang kepada Sena. Agar mereka bisa mencari pengalaman sebanyak-banyaknya,” paliwanag ni Pak AP.
(Hindi sumali ang RRQ Hoshi sa MPLI 2022 dahil kailangan nila ng pahinga. Nabu-burnout na sila. Bakit na-burnout? Walang tigil kasi ang mga turneo nila ngayong taon. Gusto ko rin mabigyan ng pagkakataon na masalang ang Sena para magkaroon sila ng karanasan.)
“Tak ada target untuk RRQ Sena di MPLI,” dagdag niya.
(Walang target sa RRQ Sena para sa MPLI.)
Samantala, nakatakda namang buksan ng RRQ Sena ang kanilang kampanya sa MPLI 2022 kontra Geek Fam ID. Idaraos ang kanilang harapan sa ikalawa ng Nobyembre, 3:40 p.m.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: EVOS Legends layuning ipanalo ang MPLI 2022, hindi natatakot sa mga PH teams