Matapos talunin ng ECHO PH, sinigurado ng RRQ Hoshi na makakapasok sila sa upper bracket ng M4 World Championship playoffs bilang runners-up ng Group C. Sinelyuhan ito ni Alberttt at ng kanyang team matapos matagumpay na pabagsakin ang RSG SG.

Sa laban na ‘yon, masasabing dominante ang RRQ Hoshi sa buong laban, bagama’t hindi nila masyadong nalamangan ang RSG SG sa net worth. Gayunpaman, ang Singaporean team ay hindi na nakahanap ng paraan para baligtarin ang takbo ng match.

Sa simula pa lang, nakuha na ng RRQ ang kontrol sa laro. Ang dahilan nito ay ang pagkuha nila ng lahat nang mahahalagang objectives sa laro, ang Turtle at ang Lord.

RRQ Hoshi M4
Credit: ONE Esports

Gayunpaman, ang paggamit ng ng RSG SG ng Ling jungler ay talaga namang pagpahirap din sa RRQ. Gamit ang maliksing assassin hero, madalas na nakakapag-split push ang team mula Singapore na naging dahilan upang hatiin ng koponan ni Alberttt ang kanilang atensyon.

Bukod pa dito, ang Ling ng RSG SG na gamit ni BRAYYY ay madalas ding gumagawa ng mga biglaang pag-atake sa back line ng RRQ, isa sa mga bagay na kinailangan nilang iwasan.

Mahirap man ngunit kinailangan ng RSG SG na sumuko sa kalamangan ng RRQ sa 17-minute mark, sa mismong oras ng ikatlong Lord fight. At ang karambolang ito ang naghudyat ng katapusan ng laban.

RSG SG
Credit: ONE Esports

Ang pag-commit ng dalawang teams sa team fight ay nagmistulang sakuna para sa RSG SG, kung saan nalagasan sila ng apat na miyembro. Samantalang kumpleto pa rin ang RRQ matapos ang sagupaan.

Dahil sa nangyaring ito, nagpasya na ang RRQ na mag-push deretso sa mid lane, na hindi na kayang pigilan ng natitirang Gloo ng RSG SG. Tinapos nina Alberttt ang laban sa score na 19-9.

RRQ Hoshi muling nakaharap ang TODAK

TODAK M4
Credit: ONE Esports

Ang tagumpay na ito ang nagsiguro ng pagpasok ng RRQ Hoshi sa upper bracket ng M4 playoffs. Sa susunod nilang pagsabak, muli nilang makakasagupa ang mga kinatawan ng Malaysia na madalas nilang nakakatapat sa international MLBB competitive scene, ang TODAK.

Ang pagtatagpo sa pagitan ng RRQ at TODAK ay nagsimula mula pa noong M1. Kung susumahin, apat na beses nang nagkita ang dalawa sa official tournaments ng Moonton.

Sa M1 event, dalawang beses nakatagpo ng RRQ si TODAK sa playoffs. Matapos ito, muli silang nagkita sa M3 event at gayun din sa MSC 2022.

RRRQ Hoshi M4
Credit: ONE Esports

Sa apat na labang nagdaan, palaging nangingibabaw ang RRQ kontra sa TODAK. Sa kabuuan ay meron silang 13 games kung saan 11 dito ay nakuha ng RRQ Hoshi.

Sinasabing makakahinga na ng maluwag ang RRQ dahil halos sigurado nang makakaabante sila sa M4 playoffs. Kung magpapatuloy ang kanilang panalo, kakaharapin nila ang team na magtatagumpay sa pagitan ng RRQ Akira at Blacklist International.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.