Back on track na sa wakas ang RRQ Hoshi matapos mangitlog noong mga nagdaang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).
Ginawang hakbangan nina Albert “Alberttt” Iskandar ang Geek Fam ID at Aura Fire, na pareho nilang winalis noong nagdaang ika-anim na linggo ng regular season, para mapanumbalik ang mga dahilan kung bakit sila binansagang Kings of Kings.
Ang pagbabalik ng agresibong RRQ Hoshi
Tampok sa unang mapa kontra Aura Fire ang agresibong RRQ Hoshi. Hindi man nila agad naapula ang apoy ng kanilang kalaban, pinangibabawan pa rin nina Vynnn ang bawat objective at team fight.
Kanya-kanya ng pagpapakitang-gilas ang bawat player gamit-gamit ang Atlas, Claude, Julian, Faramis, at Uranus. Sa kabila kasi ng liksi ng Ling ni Jehuda “High” Sumual, nanaig pa rin ang RRQ Hoshi. Nahirapang maka-I Am You sa Faramis ang Valentina ni Usep “Facehugger” Satiawan, kaya’t nahirapang makapalag ang Aura Fire.
RRQ Hoshi pinuruhan si Facehugger
Kung nahirapan na makahanap ng play si Facehugger noong unang mapa, mas malala ang ikalawa. Sinigurado kasi ng RRQ Hoshi na mache-check nila ang naturang midlaner, hindi tulad ng ibang koponan na si Leonardo “Kabuki” Agung ang target.
Hindi nila hinayaang mapasakamay ni Facehugger ang Yve o Faramis, kaya’t napilitan itong gumamit ng Julian. Sakto rin na naparami ang mga hero ng Aura Fire na nagda-dash, kaya’t madali itong sinagot ng RRQ Hoshi sa pamamagitan ng Phoveus.
Hindi rin nakatutok nang maayos ang Beatrix ni Kabuki. Madalas kasi magsimula ng team fight ng RRQ Hoshi sa gold lane, dahilan para mawalan ng space ang manlalaro at ma-delay ang kanyang farm.
Matapos ang 15-minutong masaker, naselyo ng Kings of Kings ang ikalawang-sunod nilang tagumpay sa linggo.
Samantala, itutuloy naman nina Alberttt ang kanilang kampanya sa ikapitong linggo ng liga kontra Alter Ego at Rebellion Zion.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Hanga sa Fanny ni Kairi si Coach Aldo ng ONIC Esports