Solido ang simula ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11) para sa RRQ Hoshi matapos nilang talunin ang Bigetron Alpha sa score na 2-0.

Sa kabilang banda naman, kinailangang tumanggap ng pagkatalo ni coach Ronaldo “Aldo” Lieberth sa kanyang unang laban sa Bigetron Alpha.

Ngunit hindi dapat ibase ang naging takbo ng laban sa score nito na 2-0. Salitan ang pag-atakeng naganap mula sa magkabilang koponan na parehong nagpakita ng pagiging agresibo.

Sa huli, napatunayang mas handa ang RRQ squad para sa nakatakdang laban, makikita ito sa kanilang performance na nagpakita ng pagiging kalmado sa kabila ng matinding pressure.

Lemon pumalit sa naiwang pwesto ni R7 sa RRQ Hoshi

RRQ Hoshi Lemon
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Marami ang nag-alala tungkol sa kung sino ang karapat-dapat na pumalit kay Rivaldi “R7” Fatah. Hindi na lihim na ang player mula sa Bandung ay isa sa mga bumubuhay sa laro ng RRQ, hindi nakakagulat na malaking responsibilidad ang papasanin ng bagong EXP Laner ng King of Kings.

Sa kanilang unang laban, naroon si Muhammad “Lemon” Ikhsan para punan ang naiwang pwesto at napatunayan niyang karapat-dapat siyang gampanan ang mabigat na gawaing ito.

Gamit ang kanyang Gloo at Edith, nagpapakita si Lemon ng hindi pangkaraniwang playstyle. Sa halip na puntiryahin ang back line, naging kalasag ng koponan si Lemon habang sinisira ang formation ng kalaban.

Makikita ito sa dami ng damage na natanggap niya at sa dami ng assists na ibinigay niya sa buong laban.

Ito ay isang magandang senyales na nagpapatunay na ang pag-alis ni R7 ay walang negatibong epekto sa koponan.

Sa ngayon, tingnan natin kung magiging consistent ang performance ni Lemon upang maibigay sa RRQ ang kanilang ikalimang MPL title ngayong season.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.