Napukaw kamakailan ni Incendio Supremacy midlaner Ahmet “Rosa” Batir ang atensyon ng dekoradong V33Wise duo na sina Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario ng Blacklist International sa M4 World Championship.

Matapos mahirapan sa INC sa group stage, pinuri nila V33Wise si Rosa dahil sa ipinamalas niyang husay sa Jakarta, Indonesia. Partikular na tinukoy ni Wise ang dekalibreng gameplay ng Turkish player sa mage hero na si Pharsa.

Tinanong ng ONE Esports ang tinuturing na star player ng kampeon ng Türkiye Şampiyonası 2022 patungkol sa kanyang laro. Nabanggit din niya na nais niyang makasali sa world at three-time MPL Philippines champion team kung magkaroon ng pagkakataon.


Hanga si INC Rosa kay Hadji at sa Blacklist International

Rosa (kanan) at Coach Badgalseph (kaliwa) kasama si OhMyV33nus
Credit: OhMyV33nus

Paglalahad ni Rosa, na isang masugid na tagahanga ng Blacklist International, humugot siya ng inspirasyon mula kay Salic “Hadji” Imam sa paglalaro ng isa sa pinakasikat na mage heroes maging sa kabuuang istilo niya sa Mobile Legends: Bang Bang.

“Before I came here, I was also a fan of Blacklist. I always watch their midlaner, Hadji, and I get some ideas on what I can do in a real match,” pahayag niya, base sa pagsasalin ni Incendio Supremacy coach Badgalseph.

“I watch Hadji though I adjust it to fit my playstyle. I’m inspired by Hadji.”

Credit: Moonton

Dahil sa magandang ipinapakita ni Rosa sa tumatakbong M4, maaaring may mga koponan nang nag-i-scout sa kanya.

Pero kung may tsansa umano na maglaro sa ibang rehiyon, partikular na sa Southeast Asia, ‘di siya mag-aatubiling sumali sa tinitingala niyang koponan.

“I would like to join Blacklist,” wika niya. “I like their gameplay and it’s comfortable for me.”

Credit: Moonton

Sa ngayon, binabangga ng Incendio Supremacy ang MPL Malaysia kings na Team HAQ sa lower bracket round 2. Tabla ang kanilang serye si 1-1 at ang magwawagi sa decider ay aabante para harapin ang Falcon Esports ni Pinoy coach Steven “Dale” Vitug.

(Update: Nanaig ang Incendio Supremacy kontra Team HAQ sa pamamagitan ng 2-1 reverse sweep.)

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga istorya patungkol sa M4 at Mobile Legends: Bang Bang.