Gumamit ng Roam Gloo ang Rebellion Zion para maapula ang Aura Fire sa unang laban ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID Season 11).

Bagamat may bahid pa rin ng duda kung paano gamitin ang hero sa nabanggit na role, tila kumportable naman ang Rebellion Zion na ipagamit ito nang ipagamit sa roamer nilang si Bernard “Widjanarko” Widjanarko—lalo na’t nanalo naman.

Pero nang kunin ang palagay ng isa sa pinatanyag na roamer sa Indonesia na si Nicky “Kiboy” Fernando, inamin ng ONIC Esports player na gana naman talaga Roam Gloo, pero hindi pa rin ito garantisado.



Mas solid pa rin daw sa EXP lane Gloo kesa Roam Gloo, ani Kiboy ng ONIC Esports

Okay ba ang Roam Gloo? Ito ang masasabi ni Kiboy ng ONIC Esports
Credit: Moonton

Hiningan ng ONE Esports ng palagay si Kiboy ukol sa stratehiyang ginagamit ng Rebellion Zion. Aniya, wala naman daw siyang problema dito, pero mas okay pa rin daw talaga siyang gamitin sa EXP lane.

“Menurut saya Roam Gloo itu bagus-bagus saja. Bahkan sebenarnya ditaruh (di role) mana pun bagus sih asal jangan di Gold Lane sama Jungler. Kalau EXP Lane, sama Mid pernah kami terapkan dulu, bagus sih, tapi lebih baik di EXP Lane saja,” ani Kiboy.

(Tingin ko okay lang ang Roam Gloo. Kahit nga saan eh, ‘wag lang gold lane o Jungler. Na-try na rin namin gamitin ang hero sa mid, pero mas okay talaga sa EXP lane.)

Okay ba ang Roam Gloo? Ito ang masasabi ni Kiboy ng ONIC Esports

Sa hulma raw kasi ng kasalukuyang meta, mas maraming hero na natural sa posisyon ang kayang makipagsabayan sa Gloo, ‘di tulad kung gagamitin ito sa EXP Lane.

Sa kabila nito, hindi naman sinarado ni Kiboy sa iilang hero lang ang pwedeng gamiting sa nasabing posisyon. Sa katunayan, nasubukan na niya nga rin gumamit ng bagong hero, pero hindi pa ito ganon kapulido.

“Ada hero-hero tak biasa yang bisa dijadikan roamer tapi saya belum pakai. Roamer damage sih oke, masih ada beberapa week kita lihat nanti aja. Tadi saya coba pakai Natalia, ada beberapa, bukan kesalahan sih tapi lebih ke sesuatu untuk kami improve. Next (match)-nya mungkin kami bisa lakukan,” paliwanag ni Kiboy.

Okay ba ang Roam Gloo? Ito ang masasabi ni Kiboy ng ONIC Esports
Credit: ONE Esports

(May ibang hero naman talaga na pwedeng gamitin bilang roamer, pero ‘di ko pa nasusubukan. Okay pa naman damage ng roam, pero tignan natin sa mga susunod na linggo. Nasubukan ko gumamit ng Natalia, pero may kailangan pang i-improve. Sa susunod na laban, tignan natin.)

Samantala, nakatakda pang gamitin sa MPL Philippines ang Roam Gloo.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MLBB Beginner’s Guide: Tips at tricks para kay Gloo, ang meta tank sa MLBB