Isa ang Diggie sa support heroes sa Mobile Legends na patuloy na pinapagana ng mga koponan sa pro play. May dahilan kung bakit ganito na lamang ang pagkahumaling ng teams sa hero, at ito ay dahil napakataas ng utility at suportang kaya nito ibigay sa team fights.

Bukod dito, ang ultimate skill nitong Time’s Journey ay isa sa mga pinakabentahe ng karakter na kayang kontrahin ang karamihan sa crowd control skills ng kalaban.

Ang tanong, ano ba ang tamang item build para mapagana ang hero?


Diskarte sa Diggie: Item build at emblem sets

Credit: Moonton

Maraming puwedeng gawing sa item build sa Roam Diggie. May pagkakataong binubuan ito ng Magic Damage items kahit nasa roam position, ngunit sa piyesang ito, kikiling tayo sa ruta ng pagbubuo ng defensive at utility items.

Primerang rason dito ay para makatagal ang hero sa team fights kung saan napakahalaga ng presensiya niya. Pangunahin ang pagkuha Magic Shoes na nagbibigay ng Cooldown (CD) Reduction, paraan para patuloy na makapaglabas ng Auto Alarm Bombs na siguradong bwibwisit kahit sinong madadalawan ng support hero sa lane.

Credit: ONE Esports

Maganda rin ang pagkuha ng maagang Enchanted Talisman karagdagang 250 HP, 50 Magic Power at 20% CD Reduction na muling magpapaigting ng harass capability ng hero. Pagkaraan nito, maaari ng kumuha ng defensive items tulad ng Antique Cuirass para sa karagdagang kunat.

Kritikal na may Fleeting Time sa item build ng Diggie dahil ito ang nagpapataas ng kaniyang utility sa mapa. Kapag nakuha ang equipment na ito, hindi lang ang 750 HP, 350 Mana at adisyunal na 15% CD Reduction ang makukuha ng karakter, kundi ang unique effect nitong 30% CD Reduction sa Time’s Journey Ultimate.

Ibig sabihin, mas madalas na magagamit ng user ang napakahalagang special skill ng hero na magbubunsod ng pagdadalawang-isip ng kalabang setters sa pagpasok sa team fights. Maaaring kumpletuhin ang build sa pamamagitan ng Dominance Ice para kontrahin ang regen effects ng kalaban, at Immortality para sa late game insurance.

Magandang Emblem set para sa Diggie

Credit: ONE Esports

Mainam na parisan ang build na ito ng Impure Rage talent sa ilalim ng Mage Emblem set. Gamit ang talent na ito, makakargahan ng extra 4% magic damage ang sinumang maaatake ng Diggie, bukod pa ng 2% mana regen effect nito.

Para sa ibang gabay sa MLBB, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: MLBB 101: Ano ang Turtle sa Mobile Legends at bakit mahalagang makuha ito ng team mo?