Hindi maitago ni Gustian “REKT” ang kanyang pagkakadismaya sa ipinapamalas na resulta ngayon ng EVOS Legends sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).
Naitala na kasi nila ang ikalimang-sunod na pagkatalo mula sa kamay ng ONIC Esports noong ikapitong linggo ng regular season. Dahil dito, nanganganib na ang pagkakataon ng White Tigers na maka-qualify sa playoffs—bagay na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng liga.
Kagulat-gulat ang ipinapakitang performance ngayon ng EVOS Legends lalo na’t pinangibabawan nila ang unang bahagi ng regular season. Kaya naman maiintindihan din kung makatatanggap sila ng mga kritisismo mula sa mga fans at streamers.
Tumulong na si REKT, pero bigo pa rin ang EVOS Legends
Tumambay pa raw sa headquarters ng EVOS Legends ang dating kapitan ng koponan na si REKT para magbigay ng input at magbahagi ng kaalaman sa mga mas nakababatang players.
Nagpahapyaw pa nga si REKT na magsisilbing surpresa ang inihanda niyang stratehiya, ang pagpapalit ng posisyon nina Tazz at Clover. Lumipat kasi sa gold lane si Tazz para maglaro ng Claude dahil hindi ito masyadong gamay ni Clover.
Sa kasamaang palad, hindi ito gumana nang harapin nila ang bottom seed na Geek Fam ID. Tinalo sila nito sa iskor na 2-1, na ikinalumbay ni REKT.
“Sangat berbahaya kalau EVOS main begini terus. EVOS bisa terdegradasi. Geek sudah empat poinnya, EVOS lima. Semakin stres guys, semakin stres EVOS Fams, saya juga kecewa,” aniya.
(Mapanganib para sa EVOS na ipagpatuloy ang ganitong pamamaraan ng paglalaro. Mapapasama ang EVOS. May four points ang Geek, lima naman ang sa EVOS. Kung stressed kayo, stressed din ang pamilya ng EVOS. Dismayado rin ako.)
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Aminado si DeanKT na hindi deserve ng EVOS Legends na makapasok sa MPL ID S10 playoffs