Ibinahagi ni Gustian “REKT” ang kanyang komento sa nakakagulat na balita sa esports scene ng Indonesia — ang opisyal na pag-alis ni Aldean “DeanKT” Tegar Gemilang sa kanyang posisyon bilang Vice President ng EVOS Esports.
Anim na taon ang inilagi ni DeanKT sa EVOS kung saan naging bahagi siya ng ilang makabuluhang istorya. Para sa kanya, ito ang pinakamahirap na desisyong ginawa niya.
Bilang isa sa mga dating manlalaro ng EVOS, paano nga ba nag-react si REKT sa naging desisyon ni DeanKT?
‘Di raw nasopresa si REKT sa pag-alis ni DeanKT sa EVOS
Nakasama ni REKT si DeanKT sa EVOS Esports nang matagal na panahon. Siya ang isa sa key players ng “WORLD” roster ng EVOS na pinagharian ang IENC 2019, MPL Indonesia Season 4 at M1 World Championship noong 2019. Siguradong hindi malilimutan ang mga sandaling ito para sa kanya at kay DeanKT na rin.
Sa kanyang live streaming session kasama si Viorenita “VIOR” Sutanto, inamin ni REKT na hindi na siya nasorpresa nang malaman niya ang balita na aalis na si DeanKT sa EVOS Esports.
“Uh right, I’m sorry Dean and I’m not surprised,” ani niya.
Nabanggit din ng dating EVOS captain-roamer na posibleng nag-resign si DeanKT at hindi siya tinanggal. Ibinunyag niya rin ang suweldo nito bilang VP ng organisasyon.
“No, mas Dean was not laid off, his salary as a VP is big. That may be up to IDR 20 million.”
Ayon din kay REKT, ang plano ni DeanKT na lisanin ang EVOS ay maaaring napag-usapan na kasama sina Eko “Oura” Julianto at Yurino “Donkey” Angkawidjaja, mga miyembro rin ng M1 world champion team.
“I don’t know it for a long time, but I know from the (Instagram) story of Eko (Oura). Suddenly, Dean and Yurino and Eko are together, wow!”
Maraming nagpapalagay na ang pag-alis ni DeanKT ay konektado sa kasalukuyang kondisyon ng EVOS Esports. May mga nagsasabi na tinanggal siya dahil sa maraming bagay, kabilang na ang pagpalya ng EVOS Legends na makapasok as MPL ID playoffs sa unang pagkakataon.
Sa farewell video na inilabas ng EVOS sa kanilang YouTube channel, malinaw na isang napakahirap na desisyon ang ginawa ni DeanKT ngunit kailangan dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.
Para sa Mobile Legends news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa artikulo ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports Indonesia.
BASAHIN: Eksklusibo: Coach Duckey nagkomento tungkol sa delubyong naranasan ng EVOS Legends sa MPL ID S10