May kritisismo sina Gustian “REKT” at Maxhill “Antimage” Leonardo para kay Allen “Baloyskie” Baloy.

Isa si Baloyskie sa mga Filipinong lumipat sa Geek Fam ID para maglaro sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10). Kakampi niya ang dating jungler ng ECHO na si Jaymark “Janaaqt” Lazaro, pero hirap pa rin silang mai-ahon ang koponan mula sa ilalim ng standings.

Hanggang sa matapos kasi ang unang bahagi ng regular season, isang laban lang ang naipanalo ng koponan, at ito ay kontra sa Rebellion Zion.

Nasilip ang late game playstyle ng dating ONIC Philippines player. Kasalukuyan kasing gumagamit ang manlalaro ng Franco, Natalia, at Selena, mga tipo ng roamer na hindi ganoon kalakas ang potensyal na magbuhat pagdating sa late game.

Ito raw ang kailangan i-improve ni Baloyskie ayon kina Antimage at REKT

Kapos daw si Baloyskie 'pag dating sa mechanics, ayon kina REKT at Antimage
Credit: Empeshow

Sa Empeshow ni Jonathan Liandi, nagbigay ng kanilang pahayag sina REKT at Antimage tungkol sa Geek Fam ID, partikular na kay Baloyskie. Naniniwala ang dalawang dating miyembro ng EVOS Legends na may aspetong kulang sa manlalaro na dapat meron ang mga roamer sa MPL ID.

“Roamer RRQ Hoshi, Vynnn, juga terbilang kurang main hero-hero mekanik kan. Tipe roamer seperti Vynnn dan Baloyskie gini kasih hero powernya saja. Yang makronya bagus tapi mekaniknya tak terlalu susah,” ani Antimage.



(May kulang pa kay Baloy. Hindi pa sapat yung macro niya. Hindi ganun kataas yung mechanical skill niya kumpara sa ibang Indonesian roamers, gaya nina Leomurphy sa Chou at Khufra, na gamay na gamay niya. Sina Kiboy at Dreams, na may average macro mechanics, pwede rin. Kulang na kulang si Baloyskie sa mechanics.)

“Roamer RRQ Hoshi, Vynnn, juga terbilang kurang main hero-hero mekanik kan. Tipe roamer seperti Vynnn dan Baloyskie gini kasih hero powernya saja. Yang makronya bagus tapi mekaniknya tak terlalu susah,” dagdag niya.

(Ang roamer ng RRQ Hoshi, si Vynnn, ay kulang din pag dating sa mechanical heroes. Hero power lang ang naiaambag ng mga roamer gaya nina Vynnn at Baloyskie. May macro skill sila pero hindi kasing taas ang mechanical skill nila.)

Kapos daw si Baloyskie 'pag dating sa mechanics, ayon kina REKT at Antimage
Credit: Moonton

Tila ‘di naman sang-ayon si REKT pagdating sa opinyon ng dati niyang kakampi ukol sa macro skill ni Baloyskie.

“Saya kan pemain makro juga kan. Baloy ini makronya biasa saja, mekaniknya juga bagusan saya. Parah, parah makronya,” dagdag ni REKT.

(Macro player din ako, diba? Pang ordinaryo lang ang macro skill ni Baloy. ‘Di maganda,di maganda ang macro niya.)


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Bakit nasabi ni OMG Coach Pakba1ts na ‘predicted’ nila ang draft ng Blacklist? Ito ang ebidensya