Ang paglipat ng beteranong Pinoy roamer na si Christian “Rafflesia” Fajura ang isa sa mga pinakamalaking balita na naganap sa Mobile Legends Development League Indonesia (MDL ID) Season 7.

Tumungo si Rafflesia sa Pendekar pagkatapos siyang pakawalan ng ECHO at magpahinga muna mula sa competitive scene. Nagbabalik ngayon ang 2-time MPL Philippines champion upang ipagpatuloy ang kanyang karera.

Ang desisyon ng MPL PH Hall of Legends inductee na maglaro sa MDL ID kasama ang Pendekar ay tila nakakasorpresa. Kung titignan ang kanyang kapasidad, posible pa siyang maglaro sa mas mataas na liga.


Inilahad ni Rafflesia kung paano siya nakapasok sa Pendekar Esports at kung sino ang pinakainteresanteng player dito

Rafflesia
Credit: ECHO Philippines

Ayon kay Rafflesia, hindi biglaan ang pasya niya na sumali sa Pendekar Esports. Mahabang proseso ang dinaanan niya at opisyal lang na naipakilalang miyembro nito noong Enero, kasama ang ibang mga Pinoy na sina Frediemar “3MarTzy” Serafico at coach Kenneth “FlySolo” Coloma.

“I’ve been trying out since October or November and I still can’t get a contract because there’s a lot of paperwork to be done. In addition, it also still has many events in the Philippines, such as the Hall of Legends award,” kuwento niya sa ONE Esports.

“So I can’t come here quickly. I was only able to get here in December,” dagdag pa niya.

Nangangahulugan lang ito na kahit mayroon na siyang malaking pangalan, nais niya talagang ibandera ang Pendekar at hindi madali ang pagpasok niya rito.

Credit: Pendekar Esports

Dahil sa matagal na proseso ng pagsali niya sa koponan, nagkaroon siya ng panahon para makilala ang mga players nito.

Sa mga Indonesian na manlalaro ng Pendekar, inilahad ni Rafflesia na pinakana-impress siya kay gold laner Rizki “BayMax”. Hindi lang ito dahil sa kanyang paglalaro, kundi sa kanyang kagustuhan na gumaling sa pagsasalita ng English.

“When I got here, the player who stole my attention the most was BayMax. Previously when we scrimed online, he didn’t talk much, probably because he was shy and had trouble communicating in English,” saad ng 25-year-old Pinoy MLBB player.

“Now that I’m here, he always speaks English and keeps training himself and asking me about, ‘Is my English good?’ Now he’s very developed and very vocal in the game.”

Kaabang-abang kung paano magpapasiklab sina Rafflesia at Pendekar Esports sa MDL ID Season 7. Bitbit ang kanyang malawak na karanasan, siguradong magkakaroon siya ng malaking impact sa koponan.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.