Mahigit dalawang taon ang nakalipas, at para maging wasto, sa opening week ng MPL PH Season 6, nagulat ang MLBB universe sa isang hindi pangkariwang stratehiya: ang Digger Feeder tactic ni Rafflesia.
Sino kayang makakahula na ang pagkatumba sa digmaan ay magiging malaking tulong? Pinaintindi ni Rafflesia na kung minsan ang akala nati’y makakasama ay ang siyang magdudulot ng ating panalo.
Isinasagawa ang stratehiyang ito sa paggamit ng passive skill ni Diggie na “Young Again” na nagpapanatili sa kaniyang buhay at hindi kayang atakehin kahit na siya ay pinatay na. Kaunti lamang ang maidudulot niyang attack hanggang sa siya ang ma-revive matapos ang respawn time.
Sa prosesong ito, patuloy na inaatake ni Diggie ang jungler ng kalaban at pinipigilan niya ang farming process at ang pag-recall para maibalik nila ang kanilang HP at Mana.
Ngunit nakakasama ba ito sa team dahil magbibigay ito ng gold sa kalaban sa tuwing sila ay mamamatay? Ang sagot ay, hindi.
Ngunit hindi na magagamit ang stratehiyang ito matapos nagsagawa ng mga adjustments ang Moonton sa META Diggie Feeder.
Ngunit mayroon pa ring isang tanong na hindi pa sinasagot, paano ito nadiskubre. Ito ay masasagot ni Rafflesia sa aming ekslusibong panayam.
Ang pag-diskubre sa Diggie Feeder, ayon kay Rafflesia
Ibinunyag ni Rafflesia na hindi siya ang umimbento ng Diggie Feeder strategy, ngunit ang reserve player ng Renzio.
“Before the launch of MPL PH S6, we were always looking for unique strategies in many ways, such as selecting heroes randomly. Renzio at that time was playing a rank game and met Diggie who kept dying, but on the one hand the death no longer gave him gold,” sabi ni Rafflesia.
Ang mas nakamamangha pa riyan, ang stratehiya na ito ay hindi dumaan sa mahabang trial process dahil nadiskubre ito isang araw bago nagumpisa ang MPL PH S6.
Sinabi ni Rafflesia na isang beses lamang nila ito nasubukan sa isang scrim, ngunit sigurado siya na kailangan niya itong gawin sa isang professional tournament.
“The day before the tournament he told us his invention and in that short time remaining we only got to test it once in the scrim. Then I think we should try this strategy in MPL because if it works, Diggie Feeder will destroy the MLBB META,” paliwanag niya.
At tiyak naman na namangha ang MLBB world sa Diggie Feeder sa unang araw ng MPL PH S6, noong tinalo ng Aura PH ang Execration. Mabilis namang ginamit ang Diggie Feeder sa laro, mula sa professional scene patungong ranked games.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.