Matapos ang kanilang panalo kontra Alter Ego sa MPL Indonesia Season 11 Week 1, ibinunyag ni Muhammad “Lemon” Ikhsan ng RRQ na pinaplano niyang gamitin ang Rafaela EXP lane. Posible nga ba itong ilabas ng tinaguriang “Alien” ng liga?

Ang paglalaro ng Rafaela EXP lane ang isa sa mga bagay na bibihira talaga, lalong-lalo na kapag ginawa sa isang malaking torneo tulad ng MPL. Gayunpaman, maaari namang gawin ang kahit anong bagay partikular na kung maayos itong naiplano.

Credit: Moonton

Sa katunayan, ang EXP lane ay madalas tinatauhan ng mga fighter o kaya tank dahil kaya nilang tumambay sa lane at kalaunan ay maging tangke sa mga team fight kasama ang roamer o jungler tank. Kaya naman delikadong maglaro ng support hero sa naturang lane.

Pero hindi ito imposibleng mangyari lalo na kung si Lemon ang maglalabas. Kung gayon, ano kaya ang posibleng gameplay at item build ng Rafaela EXP lane?


Pinakiusapan ni Lemon dati si R7 na maglaro ng Rafaela EXP lane

RRQ Hoshi R7
Credit: ONE Esports

Bago pa man ilahad ni Lemon ang kanyang plano, matagal nang napatunayan na pwede talagang laruin ang Rafaela EXP lane. Nakiusap siya sa kanyang former teammate na si Rivaldi “R7” Fatah na laruin ito sa isang ranked game noon.

Noong laro na iyon, tinanong ni R7 si Lemon kung anong hero ang OP sa bilang offlaner. Nang banggitin niya ang Rafaela, maging si R7 ay may pagdududa.

Ayon kay Lemon, ang layunin sa paglalaro ng Rafaela EXP lane ay hindi para mang-heal lang kundi magbigay ng mahapding poke damage para sa koponan simula sa mid-game gamit ang magic item build na ito:

  • Clock of Destiny
  • Lightning Truncheon
  • Calamity Reaper
  • Holy Crystal
  • Blood Wings
Credit: Youtube/R7 Tatsumaki

Gumamit si R7 ng Mystery Shop talent ng Mage emblem. Pero ayon kay Lemon, Impure Rage dapat ang talent. Arcane Boots din dapat ang binili imbes na Demon Shoes para sa karagdagang magic penetration.

Gayunpaman, maayos pa rin niyang nalaro ang Rafaela EXP lane. Sa katunayan, nakapagtala siya ng nakakamanghang 4/1/25 KDA.

Nakapagbigay din siya ng malaking heal at nakapagbitaw ng stun mula sa kanyang Holy Baptism ultimate upang siguruhin ang panalo para sa kanyang koponan.

Panoorin sa ibaba ang Rafaela EXP lane gameplay na in-upload ni R7 sa kanyang YouTube channel noong September 11, 2021. Gayunpaman, kailanman ay ‘di niya ito nilabas sa pro scene.



Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa katha ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.