Kilala sa maraming pangalan si Blacklist International star EXP laner Edward Jay “EDWARD” Dapadap.

Tinatawag siyang Agent Zero, Mr. Consistent, The Playmaker, Edward Balboa at kung anu-ano pang moniker na naimbento ng mga caster at Mobile Legends esports fans bilang paglalarawan sa malupit na galawan ng 18 anyos na pambato ng Bataan.

Pero para sa General Manager ng Blacklist International na si Elrasec “Rada” Ocampo, nais niyang makilala ang tahimik pero mabagsik na manlalaro bilang Kobe Bryant ng kanilang koponan.


Rada kay EDWARD: ‘We always wanted the best for you and it’s in Blacklist’

Rada ng Blacklist International
Credit: Rada Scars

Sa eksklusibong interbyu kasama ang ONE Esports, ibinahagi ni Rada ang kuwento kung paano nila napanatili si EDWARD sa Blacklist International. Ipinaliwanag din niya kung bakit inihahalintulad niya ang kanilang EXP laner sa basketball legend ng Los Angeles Lakers sa NBA.

“Ever since nagkakilala kami, ang unang-unang impression ko sa kanya is Kobe Bryant. Bakit? Siya ‘yung parang tinatawag kong ‘virgin’ sa organization kasi never siya naka-experience ng any (other) esports organization.”

Ayon kay Rada, noong mga panahong ding iyon naging interesado ang Nexplay Esports kay EDWARD at nais niyang sundan ang longtime teammate niyang si Kairi “Kairi” Rayosdelsol na lumipat sa ONIC PH noong MPL Philippines Season 7. Gusto na niya umanong umalis sa Blacklist dahil nahihinaan na siya sa kanilang koponan noon. Mabuti na lamang at nakumbinsi siya ni Rada na manatili.

Credit: Tier One Entertainment

“Pero sabi ko sa kanya, let’s work it out. Kasi wala ka namang choice eh. Ayaw na sa’yo ng NXP kasi parang ito na new lineup nila. ‘Di ka na rin kukunin ng Onic kasi nakuha na nila si Kairi. So, let’s just work with what we have. It is what it is. So during that time, madali kong nakuha loob niya kasi si Edward lalaro at lalaro lang ‘yan. Wala ‘yan ibang gagawin.”

Naging hamon umano para kay Rada ang pagkumbinsi kay EDWARD, na noo’y 16 anyos pa lamang.

“In-immerse ko ‘yung sarili ko dun to make sure na makuha ko ‘yung buy-in ni Edward. And proving that, siya ‘yung naging MVP ng Season 7. So sobrang na activate talaga siya,” wika ng General Manager. “Pinaramdam ko sa kanya na lahat ng pag-uusapan natin dito, lahat ng gagawin natin dito is something na mangyayari, which is everyone’s commitment ay nandun naman.”

EDWARD ng Blacklist International
Credit: EDWARD

Doon na rin nagsimula ang layunin ni Rada na sa hinaharap ay makita si EDWARD bilang Kobe Bryant ng Blacklist International.

“Si Kobe kasi never na lumipat ‘yan eh, Lakers lang siya. So ayun ‘yung goal ko sa kanya that time. Sabi ko sa kanya, ‘Edward, ito na ‘yung time na…’ syempre nanalo kami ng Season 7 parang, ‘gusto kita maging Kobe Bryant ng esports,'” saad niya.

“Meaning, dito ka na magre-retire sa Blacklist. So whatever plano na meron ka, whatever development mangyari sa career mo, we always wanted the best for you and it’s in Blacklist. Parang ganyan. And nakita naman, ang ganda ng naging result.”

Credit: EDWARD

Tulad ng namayapang alamat ng Lakers, matagumpay din si EDWARD sa larangan naman ng Mobile Legends kasama ang Blacklist International. Sa ngayon, mayroon na siyang world championship noong M3 at pwede pa ito maging back-to-back sa darating na M4.

Hawak din niya ang tatlong kampeonato sa MPL Philippines kasama pa ang individual awards na dalawang Finals MVP noong Season 7 at 10. Sa murang edad, marami na siyang nakamit at marami pang maaaring mapagtagumpayan sa kanyang karera.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.