Kamakailan ay inamin ni Rivaldi “R7” Fatah na iniinda niya ngayon ang sakit ng kaniyang mga kamay. Binanggit ito ng RRQ Hoshi EXP laner sa isang YouTube stream kasama ang kapwa MLBB legend na si Oura.

Hindi na ito kagulat-gulat para sa mga sumubaybay sa esports karera ng pro. Bago maging alamat sa Mobile Legends eksena, naglaro na si R7 para sa Dota 2 division ng organisasyon.

Hindi na lumingon pabalik ang pro makaraang dumako sa mobile esports. Magmula MPL ID Season 4, at mapa-lokal o internasyonal na patimpalak, walang pagkakataon na lumiban ang beterano na maglaro para sa hanay ng RRQ.

Credit: ONE Esports

Kaya naman, mistulang sinisingil na si R7 ng kaniyang mahabang karera sa esports. Huling nagpakita ang pro sa 2022 Esports Presiden’t Cup kung saan bigo ang kaniyang RRQ Hoshi na makalampas sa semifinal round kontra ION Beta.

Matapos ang matinding iskedyul, kamusta na nga ba ang kondisyon ng mga kamay ng esports athlete?


R7 inamin na malaking rason ng isyu sa mga kamay ang tight schedule sa pro play

Credit: RRQ R7

Bago si R7, marami na sa mga kapwa niya beterano ang nagretiro dahil sa injuries. Mababalikan na kamakailan lang din ay umalis na sa pro scene si REKT ng EVOS Legends. Samantala, ang kapwa RRQ veteran niya na si Tuturu, ay nagretiro din sa halos parehong dahilan.

Credit: REKT

Banggit ni Oura na kilalang malapit kay R7, may isyu na daw sa hinlalaki, sa siko at taas na bahagi ng mga braso ang pro. Ito rin naman ang inamin ng RRQ pro sa nasabing YouTube stream.

“My hand hurts, I swear. Yes, there (thumb) and then on the arm up to the elbow. Pain in the upper area, then (feels) sore underneath,” banngit ng 6 season vet.

Ani naman ni Oura, pamilyar daw siya sa ganitong mga sintomas at maaari daw itong maging seryoso dahil hindi lamang iisang bahagi ang apektado.

Si R7, inilahad na dumadaan siya ngayon sa physical therapy para maagapan ang paglaganap ng sintomas.

“There is a sports massage, but it doesn’t seem like it’s getting better right away. I can’t be overused either,” aniya.

Credit: ONE Esports

Inaasahan na magiging malaki ang epekto nito lalo pa’t lalahok ang RRQ Hoshi sa pinakamalaking patimapalak sa eksena sa M4 World Championship kung saan isa sa mga paborito ang kaniyang team.

Bagamat batid ni R7 ang panganib na mas lumala ang kaniyang injury, nakahanda daw siyang suungin ito.

“(Being an MLBB pro player) is like a job, bro. I consider the Mobile Legends game as a job, not a matter of fun anymore,” pagbubuod niya.

Pagsasalin ito sa sulat ni Cristian Winarata Surbakti ng ONE Esports ID.

BASAHIN: ‘All PH’ ang top junglers ngunit MPL ID players naman ang top gold laners para kay Baloyskie. Sinu-sino nga ba sila at bakit?