Nagdesisyon ang EXP Laner ng RRQ Hoshi na si Rivaldi “R7” Fatah patungkol sa kanyang pro player career bago ang pagsisimula ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 11 (MPL ID S11). Nagpasya ang player na magpahinga muna mula sa competitive scene ng MLBB.
Bago pa man ang MPL ID S10 playoffs, inamin na ni R7 na medyo nakakabahala na ang kalagayan ng kanyang mga kamay. Nakakaramdam siya ng sakit na nakakabahala kung kaya’t hindi siya makapaglaro nang todo.
Gayunpaman, dahil kinailangan pa ring maglaro ng kanyang koponan sa MPL ID S10 playoffs at matagumpay na nakapasok sa M4 World Championship, sinusubukan pa rin niyang maglaro at lumaban sa abot ng kanyang makakaya, kahit na madyo nahihirapan na siya sa kanyang kondisyon.
Ngayong tapos na ang M4 at naghahanda na ang koponan para sa bagong season, nagpasya ang Bandung-based player na magpahinga mula sa eksena. Gayunpaman, hindi naman niya tuluyang sinasara ang pinto para sa kanyang sa pagbabalik, na lubos na nakasalalay sa kondisyon ng kanyang mga kamay.
Ang desisyon ng player na magpahinga ay direktang inihayag ng Team RRQ sa pamamagitan ng isang video sa kanilang official YouTube channel noong Sabado, January 21.
R7 mananatili pa ring parte ng RRQ Hoshi
Sa kabila ng kanyang pasyang magpahinga muna mula sa competitive scene ng MLBB, sinabi ni R7 na nananatili pa rin siyang bahagi ng organisasyon ng Team RRQ. Patuloy din niyang susuportahan at tutulungan ang RRQ sa mga susunod na events.
“I will continue to support Team RRQ because (MPL) Season 11 will start soon. I will still support them by live streaming on YouTube and others. There are many ways,” sabi niya sa video.
Bilang karagdagan sa kanyang pagpapaalam, sinimulan din niya ang video na ito na may paghingi ng tawad sa mga tagahanga at sa Kingdom para sa hindi nila matagumpay na pagkuha ng titulo ng M Series sa M4.
Inihayag din niya ang dahilan kung bakit gumagamit siya ng maraming Kinesiology Tape sa kanyang hand area sa kahabaan ng M4. Ito ay dahil talagang kailangan niya ang tulong ng tool dahil ang kanyang mga kamay ay puno ng panginginig at magiging masakit at masakit kung hindi niya ito gagamitin.
Ipinapakita nito kung gaano kalaki ang sakripisyo at gaano kaseryoso para sa RRQ ang isa sa mga pinakamahusay na EXP laner sa Indonesia. Umaasa kami na tama ang desisyong ito para sa ikabubuti ng 24-year-old player, lalo na at tungkol ito sa kanyang kalususugan.
Magpahinga ka, R7 at sana gumaling ka agad. Maraming naghihintay sa’yo.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.