Dalawang magkaibang bagay ang damage-per-second, o DPS, at burst damage sa Mobile Legends: Bang Bang. Madalas gamitin ang dalawang terms na ‘to sa iba’t-ibang klase ng laro, lalo na sa mga multiplayer online battle arena o MOBA.
Gayunpaman, hindi pa rin ito ganon kasimple para sa mga baguhan. Kaya’t narito ang pinakamalaking pagkaka-iba ng DPS at Burst Damage, maging ang ilang paraan kung paano ito kontrahin.
- Puguin ang Beatrix gamit ang 3 counter heroes na ito!
- Mga mabibisang Gusion counter sa MLBB ngayong balik sa meta ang hero
Ano ang pagkaka-iba ng DPS at Burst Damage sa MLBB?
Nakapaloob na sa pangalan ng salita ang kahulugan ng DPS. Pumapatungkol ito sa mga hero na may kakayahang makapagbigay ng damage nang tuloy-tuloy. Ang damage na ‘to ay maaaring magmula sa mga skill or basic attack.
Halimbawa na lang sina Moskov, Miya, at Claude, mga marksman na basic attack ang pangunahing pinagkukunan ng damage. Nariyan din sina Chang’e at Alice, dalawang mage na ang ultimate ay nagbibigay ng tuloy-tuloy na damage output.
Sa kabilang banda, tumutukoy naman ang burst damage sa tipo ng damage na kayang kumitil ng kalaban sa isang iglap. Gaya ng DPS, nagmumula ang damage nito sa mga skill o basic attack ng isang hero.
Magandang halimbawa sa mga hero na ‘to sina Kagura, Cecilion, at Kadita para sa mga Mage. ‘Di rin matatawaran ang burst damage potential ng Renner at Wesker ni Beatrix, gayundin ang Thunderclap na ultimate ni Masha.
Mahalagang malaman ang pinagkaiba ng DPS at Burst Damage para malaman kung paano ito kontrahin. Athena’s Shield ang kadalasang solusyon sa magical burst damage habang Antique Cuirass naman sa physical.
Sa kabilang banda, makatutulong ang Dominance Ice at Blade Armor para sa physical DPS, habang Radiant Armor naman para sa magical.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Kakaiba ang skills ni Joy, ang pinakabagong assassin sa Mobile Legends