Si Pica ng EVOS Lynx ay isa sa mga top female MLBB pro player ng ilang taon na.
Isang mahaba at madugong paglalakbay ang pinagdaanan ni Pica bilang pro player at content creator, ngunit isa siya sa kaunting taong nagawang magtagumpay sa parehas na larangan.
Hindi kasing linaw ang development ng female players sa Indonesian Mobile Legends scene kumpara sa mga male players. Habang ang eksena ay may high-profile players katulad ni Pica, wala pa rin itong naaayon na talent development para sa amateur players na gustong maging pro.
Ang kay tagal nang presensiya ng EVOS Lynx sa female pro scene
Mainstay si Pica ng EVOS Lynx, isang female pro squad na bukod sa pagiging malakas, ay napakalaki din ng fanbase.
Kasama ang kaniyang teammates na si Caramel, Earl, Jennie, Funi, at Violet, a female pro squad ay nag-uwi ng dalawang WSL trophies at dalawang Dignity championships nuong late 2020 at early 2021.
Bilang seasoned player, si EVOS Lynx Pica ay isang pruweba na ang female players ay kayang mag-adapt sa kahit anong meta.
Kahit pa kilala siya bilang isang reliable na mid laner noong 2018 hanggang 2019, tagumpay siyang lumipat sa offlaner role. Ang kaniyang world-class na abilidad sa paggamit ng Yu Zhong, Alice, at Uranus ay nagdala sa kaniya paakyat at mapabilang sa pinakamagagaling na offlaners ng country.
Binunyag din ni Pica sa ONE Esports ang kaniyang sikreto sa malakas na presensiya sa esports scene. “Consistent practice and willing to learn,” nabanggit ni Pica. “Regarding gameplay, learning is the most important thing and you cannot be complacent. Don’t ever be complacent.”
Paano maging female MLBB pro player ayon kay EVOS Lynx Pica
Habang may mga kababaihan na nagpakita na ng potensiyal sa kanilang MLBB skills, maari silang kapusin ng knowledge at courage upang gumawa ng daan para sa kanilang professional careers. Nag-banggit si EVOS Lynx Pica ng ilang tips and tricks na maaring makatulong sa kababaihan sa mundo ng esports.
“The first initial stage is connections,” sinabi ni Pica. “If you know any friends who are already in esports, it will be easier.”
Pagdating sa gameplay, diniin ni Pica na ang paglalaro ng madalas at pagpapakita na mayroon kang malaking hero pool ay makakatulong din.
Minungkahi din ni Pica na ikaw ay dapat “actively looking for open recruitments.”
Ang female Mobile Legends scene ay madaming promising young talent
Kahit pa ang mga top teams gaya ng EVOS Lynx ay may veteran status na sa female pro scene, sinabi ni Pica na ang mas bago at mas batang mga teams ay unti-unti nang nagpapakita.
Sina Vival, Chel, at Chinny mula sa Belletron Era ay ilan lamang sa mga batang prospects na palaging pinag-uusapan dahil sa kanilang abilidad at championship wins.
Dahil ang mga batang talent ay kumukuha na ng spotlight, naniniwala si Pica na palaging may pwesto pa ang aspiring female players sa Mobile Legends scene ng Indonesia.