Ang kagila-gilalas na performance ni Gilang “Sanz” sa kahabaan ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11) ay nagbunga nang kilalanin siya bilang finals MVP matapos walisin ng ONIC Esports ang EVOS Legends sa best-of-seven series.

Ang tagumpay ng naturang midlaner ay hindi maipagkakaila. Sa lenggwahe ng Bahasa Indonesia, kung susumahin sa isang salita ang pagpapakitang-gilas ni Sanz ngayong season, ito ay ang “GILA,” na ang ibig-sabihin ay nakakabaliw o nakakamangha.

Ang young star na sumiklab mula sa MDL Indonesia nang siya ay naglaro pa para sa Victim Esports noon ay dating umiidolo kay Julian “Udil” Ardiansyah. Kahit pa naungusan na niya ang kanyang idolo, hindi pa rin nagbago ang pagkilala niya sa midlaner ng Alter Ego.

Gila! Sanz, pinarangalan bilang Finals MVP ng MPL ID Season 11
Credit: ONE Esports


Ang KDA ni “Gila Sanz” sa kahabaan ng ONIC Esports vs EVOS Legends sa grand final ng MPL ID Season 11

Gila! Sanz, pinarangalan bilang Finals MVP ng MPL ID Season 11
Credit: MPL Indonesia

Gamit ang iba’t-ibang mga bayani tulad ng Valentina, Kadita, at Pharsa, nagtagumpay siyang magtala ng isang perpektong kabuuang assist.

Nagtala rin ang mahusay na Mid Laner ng isang kabuuang KDA na 14 kills, 24 assists, at 5 deaths, kaya’t siya ang naging pinakamahusay sa season na ito.

GAMEHEROKDA
1Valentina1/0/8
2Kadita1/2/2
3Valentina4/2/7
4Pharsa8/1/7

Kasabay ng pag-abot ng kanyang parangay, inihayag ni Sanz ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang pamilya at mga taga suporta, saan mang panig sila ng mundo.

“Terima kasih banyak untuk keluarga di Makassar yang sedang menonton saat ini! Terima kasih untuk SONIC yang sudah datang terima kasih dukungannya. Terima kasih MPL. Terima kasih teman-teman dari Makassar yang sudah datang. Terima kasih,” ani Sanz.

Credit: ONIC Esports

(Maraming salamat sa aking pamilya sa Makassar na nanonood ngayon! Salamat sa ONIC sa pagdating at suporta. Salamat sa MPL. Salamat sa mga kaibigan ko mula sa Makassar na dumating. Salamat.)

Bukod sa pagkakamit ng tropeo, nakatanggap din si Sanz ng premyo mula sa UBS Gold. Ibinigay ang premyo ni Michael Yahya, Creative Director ng UBS Gold.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kairi inilahad kung bakit naghahari ang Pinoy players sa MPL ID: ‘Di lang kasi puro mechanics’