Delikado ang lagay ng Nexplay EVOS papasok sa ikawalo at huling linggo ng regular season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11), dahil maaaring hindi sila maka-qualify sa playoffs.
Bago magsimula ang huling kabanata ng regular season, naka-upo sa ikapitong puwesto ng standings ang Neon Tigers nang may 13 puntos. Sila ang pinaka-nanganganib ang lagay lalo na’t ang top six lamang ang makaka-qualify sa playoffs.
Bagamat hindi pa huli ang lahat para sa koponang pinalalakas na ngayon ng Hall of Legends inductee at MPL PH all-timer na si Jeniel “YellyHazeDr” Bata-anon, hindi rin madali ang kailangan nilang gawin para makapasok sa susunod na yugto ng turneo.
- Ano ang kailangang gawin ng Smart Omega para makapasok sa MPL PH S11 playoffs?
- Ito ang kailangang mangyari para maselyo ng Blacklist ang Upper Bracket sa MPL PH S11 Playoffs
Ito ang kailangang mangyari para makapasok sa playoffs ng MPL PH Season 11 ang Nexplay EVOS
Maaaring hindi na sapat ang bruskuhang husay para makapasok sa playoffs ng MPL PH Season 11 ang Nexplay EVOS dahil nakasalalay na sa resulta ng Smart Omega at ONIC Philippines ang kapalaran nila.
Sa madaling salita kasi, kailangang maging mas mababa ang puntos na malilikom ng Smart Omega at ONIC Philippines kumpara sa Nexplay EVOS pagtapos ng regular season. Bago magsimula ang ikawalong linggo, may 15 puntos ang koponan ni Duane “Kelra” Pillas, habang 16 naman ang kina Stephen “Sensui” Castillo.
Posible pa itong mangyari dahil may natitira pang dalawang serye ang koponang binubuo na ng mga dating manlalaro ng Minana Esports, at ito ay kontra RSG Slate Philippines at Blacklist International.
Kung mawawalis nila ang dalawang serye at makakuha ng anim na puntos, mauungusan nila ang Smart Omega at ONIC Philippines. Kaso nga lang, may pagkakataon pa ring pumuntos ang dalawang ‘to dahil may dalawang serye rin ang kailangang laruin nina Kelra, habang isa naman kina Sensui.
Dito dedepende ang kapalaran ng Nexplay EVOS sa ibang koponan. 19 na lang kasi ang max possible points na pwedeng nilang makuha pagkatapos ng regular season, habang 21 naman sa Smart Omega, at 19 sa ONIC Philippines.
Kaya’t hindi sapat magtagumpay lang sila sa natitirang serye, dahil kailangan ding matalo ng mga koponang kalapit nila sa standings para makapag-qualify sila sa playoffs ng MPL PH Season 11.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Paano masisiguro ng ECHO ang top seed sa MPL PH S11 playoffs?