Sa mundo ng Mobile Legends: Bang Bang, diskarte at galing ang mga susi sa tagumpay. Habang patuloy ang marami sa pagtuklas ng mga bagong meta, isang player ang kumikilos nang kakaiba at kapansin-pansin. Si Edgar “ChooxTV” Dumali, ang kilalang streamer at content Creator ng Mobile Legends, ay nakapukaw ng pansin ng marami sa kanyang hindi pangkaraniwang Layla Tank build.

ChooxTV ibinahagi ang Layla Tank build
Credit: ChooxTV

Sa pamamagitan ng matalinong paningin sa inobasyon at malalim na pag-unawa sa mechanics ng game, binuo ng sikat na streamer mula South Cotabato ang isang estratehiya na nag-iiwan sa kanyang mga kalaban na naguguluhan.

Naging mapalad ang ONE Esports na magkaroon ng pagkakataon na siyasatin ang estratehiya ni Choox, alamin ang mga lihim sa likod ng kanyang Layla Tank build, at tuluyang maunawaan ang angkin nitong lakas.

ChooxTV ipinaliwanag ang Layla Tank build

Layla Tank build
Credit: Moonton

Sa katatapos lang na Mobile Legends All-Star 2023 Music Carnival, nakapanayam ng ONE Esports si Choox upang mas lubos naming maintindihan ang build ng kanyang Layla.

“Syempre yung unang item ko napakasimple lang para manalo kayo,” sabi ni Choox. “Thunder Belt, kasi yung belt nyan tuma-thunder kaya malakas.”

Ayon sa streamer, ang kasunod na item sa build ay mas magpapalakas pa Thunder Belt. “Pangalawa, yung Athena’s Shield. Kasi Thunder Belt with antenna (Athena), sobrang lakas, ‘di ba?”

“Pangatlo, Immortality para mabubuhay ka ulit,” paliwanag niya. “Pang-apat, Dominance Ice. Kelangan ng ice para solid.”

ChooxTV Aldous cosplay
Credit: ChooxTV

Ang huling dalawang items ay para naman makontra ang mga damage dealers ng kalaban, mapababa ang cooldown ng skills, at masigurong magiging bida sa laban ang Layla Tank.

“Tapos, Blade Armor, para yung mga kalaban, pag ina-attack ka, bumabalik yung attack nila. Panghuli, Queen’s Wings, para ikaw yung queen.”

Mapapansin na ang mga items sa build na ito ay nakatuon lamang sa depensa at walang kasamang boots, kung kaya’t ang battle spell na gamit ni Choox ay Sprint.

Syempre kelangan ding gumamit ng Tank emblem. Ngunit sa kasamaang-palad, nakalimutan ni Choox ang pangalan ng mga talents sa emblem. Kaya kayo na lang ang bahalang mamili ng talent na pasok sa build na ito.

“Ano bang emblem ko?” tanong ni Choox sa sarili. “Nakalimutan ko na yung mga pangalan ng emblems eh.”

Sundin niyo ang build na ito upang masiguro ang isang makunat at matikas na Layla.

“Yun ang gamitin niyo ha,” panghuling mensahe ni Choox. “Galingan niyo!”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.