Mainit na debate para sa players ng Mobile Legends: Bang Bang kung ano ang mas epektibong physical defense item sa pagitan ng Blade Armor at Antique Cuirass.
Hindi na ito kataka-taka dahil sa kasalukuyang META, patuloy ang pagpabor sa heroes na kayang magpakawala ng physical damage. Kaya naman, ang pagkakaroon ng tamang defensive item ay isa sa mga pangunahing iniisip ng players para makontra ito at mapatagal ang kanilang buhay sa gitna ng teamfights o di kaya ay kapag na-gank.
Ang kaibahan ng Blade Armor at Antique Cuirass
Nag-aalok ng impresibong physical defense at unique passive effects ang parehong Blade Armor at Antique Cuirass.
Ang Blade Armor ay binubuo sa pamamagitan ng pagkuha ng Steel Legplates at dalawang Leather Jerkins. Nagbibigay ang defensive item ng 90 physical defense at nagbabawas ng 20% sa critical damage effects ng kalaban.
Ang unique passive nito, ang Bladed Armor, ay nagbibigay-daan sa gumagamit nito upang maibalik ang physical damage na katumbas ng 20% ng natanggap na damage mula sa basic attacks. Bukod pa rito, nagbabawas din ito ng 20% ng physical defense ng kalaban at nagbibigay ng slow effect na 15% sa loob ng isang segundo.
Sa kabilang banda, ang Antique Cuirass ay binubuo naman sa pamamagitan ng pagkuha ng isang Dreadnaught Armor at Ares Belt. Nagbibigay ang item ng 54 physical defense, 920 HP, at 4 HP regen.
Ang unique passive nito, ang Deter, ay nagbabawas ng 8% ng physical attack ng kalaban sa loob ng 2 segundo sa mga pagkakataong mapapatama ng kalaban ang isang ability sa gumagamit nito. Maaring mag-stack ito ng hanggang tatlong beses, kaya ang total na kabawasan ay maaaring umabot ng 24%.
Maraming player ang naniniwala na mas maganda ang Antique Cuirass dahil swabe physical damage reduction na napapataw nito sa kalabang hero partikular na sa mga Marksmen at Assassins.
Gayunpaman, may mga sitwasyon kung kailangan paburan ang paggamit ng Blade Armor.
Halimbawa, dapat kumuha nito kung katapat ang mga hero na sumasandal sa kanilang critical chance bilang primerang damage mechanism. Ito ay mga karakter tulad ng Bruno, Leomord, Lesley, Ling, at Yi Sun Shin. Ito rin ang tamang itme kung ang kalaban ay may hawak na Berserker Fury, Scarlet Phantom, o Windtalker (items na nagdaragdag ng kanilang critical chance at overall damage output).
Syempre, mainam pa rin na isaalang-alang ng mga player ang kanilang role, ang composition ng kalaban, at ang sitwasyon sa game kapag nagdedesisyon kung aling item ang dapat na piliin (o di kaya ay unahin). Partikular sa mga dapat matalinong pumili ang roamers o tanks na hindi masyadong nakakakuha ng gold mula sa mga minions o jungle creeps.
Sa huli, mahalagang maunawaan na parehong may benepisyo ang dalawang physical items na ito. Mas pabor ka man sa Antique Cuirass kumpara sa Blade Armor o vice versa, ang nanatiling tiyak sa dulo ay kailangan mong bumuo ng alinman sa mga ito kung gusto mong tumagal sa laban kontra sa physical damage heroes.
I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa iba pang MLBB content!
BASAHIN: Mobile Legends Melissa guide: Best build, skills, emblem, at mga combos