Kasabay ng revamp sa Minsitthar sa gumulong na Mobile Legends patch 1.7.68, marami sa mga fan ang naintriga kung ano ang angkop na item build sa pinalakas na hero. At sa pro play sa MPL Indonesia, mistulang naiapkita na si Saykots ng EVOS Legends ang tamang sangkap para ilabas ang tunay na lakas ng hero sa EXP lane.


Pagbabago sa Minsitthar makalipas ang MLBB Patch 1.768

Credit: Moonton

Bagamat hindi nakita ang Minsitthar sa meta play, binago ng bagong update ang tadhana ng hero dahil matindi na ngayon ang effects ng kaniyang passive na Mark of the King. Ngayon, may dagdag nang stun effect kapag nakuha na ng King of Mahar Pura ang kaniyang fifth stack kapag nakakatama ng skill o kapag gagamit ng basic attack.

Malaking bagay ito dahil bukod sa stun, mas karga rin itong damage at regen effect sa hero.

Bukod dito, kasama din sa ginawang revamp sa fighter ang kaniyang first skill na Spear of Glory na kayang bumunot ng mas maraming kalaban dati ay limitado lamang sa isang hero. Samantala, mas malakas na din ang damage ng kaniyang second skill na Shield Assault.

Kitang-kita ito nang gamitin ang Minsitthar sa unang araw ng MPL ID Season 11 playoffs kung saan naging top pick ang hero. Ginamit ito ni Pai ng Alter Ego at Saykots ng EVOS Legends para parehong patunayan ang lakas ng revamped character.


Diskarte ni Saykots sa Minsitthar: Item build at emblem

Credit: ONE Esports

Partikular na nagpamangha ang EXP Laner ng White Tigers na ginamit ang Fighter para kontrahin ang meta pick na Joy sa lane at pangunahan ang team fight ng kaniyang hanay sa krusyal na ikalimang laro kontra Geek Slate.

Saykots focused on making magic defense items first to hold back Joy and Yve, taking advantage of Minsitthar’s high HP base from Tenacity and second skill, which reduces opponent damage. He then built Corrosion to deal additional damage to enemies, especially with Minsitthar’s second skill. After that, Saykots made himself thicker with Queen Wings and Immortality.

Nagpokus si Saykots sa pagbubuo ng magic defense items para masalag ang mga atake ng Joy at Yve ng Geek Slate, at inabuso ang high HP base mula sa Tenacity emblem set at ang kaniyang second skill para mabawasan ang damage ng kalaban.

Credit: ONE Esports

Pagkatapos nito, bumuo ang offlaner ng Corrossion Scythe para mapalakas ang kaniyang damage threat partikular na kapag na-activate niya ang kaniyang second skill. Queens Wings at Immortality ang isinunod ni Saykots para mas mapakapal ang kaniyang HP bar.

Sa dulo, bumuli ang EXP laner ng magic resist cloak na mistulang pag-aamba sa pagkuha ng Athena Shield o di kaya naman ay Oracle. Sa pamamagitan ng build na ito, nagamit ni Saykots ang pambihirang kapabilidad ni Minsitthar lalo na nang sinamahan ito ng Franco sa komposisyon.

Malinaw na kapag nasa tamang kamay ang revamped hero, mataas ang posibilidad na maghahasik ito ng lagim sa loob ng mapa gawa ng crowd control skills, damage potential at kunat nito.

Item build kay Minsitthar a la Saykots ng EVOS Legends

  • Tough Boots
  • Radiant Armor
  • Corossion Sycthe
  • Queens Wing
  • Immortality
  • Oracle/Athena Shield

Subukan ang item build ni Saykots sa Minsitthar at ikomento ito sa Facebook post ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: 3 best counters para kay Joy sa Mobile Legends