Si Pharsa ay isa sa mga Mage hero na madalas gamitin hindi lang sa ranked games, kung hindi maging sa professional scene ng Mobile Legends: Bang Bang

Bilang isang Mage hero may sapat siyang lakas para mapatumba ang mga kalaban. Pinupuno ang kanyang skillset ng burst spells, long-range ultimate, at ‘di rin matatawaran ang damage na kaya niyang ibigay pag dating sa team fight, lalo na’t meron pa siyang crowd control ability.

Kung isa kang Mage user na naghahanap ng hero para makapagpataas ng rank, ito ang tatlong dahilan bakit kailangan mong master-in si Pharsa. 



3 dahilan bakit si Pharsa ang magandang gamitin para makapag-rank up sa Mobile Legends 

May mobility

Bakit si Pharsa lang ang magandang mage hero na gamitin pang-RG sa Mobile Legends
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Isa sa mga dahilan kung bakit magandang gamitin si Pharsa ay dahil sa mobility na naibibigay ng Wings by Wings. Gamit ang skill na ‘to, maaaring siyang makalipad sa ibabaw ng obstacles, at maging palabas sa border ng mapa.

Nagagamit niya ito para tulungan ang kaniyang mga kakampi sa pagpatay at pagtakas sa mga kalaban. Pagdating naman sa late game magagamit ang kaniyang mobility dahil mas madali siya makakapag-clear ng minion waves, mag-push, o dumepensa sa lane. 

Kung sa battle spell naman ang paguusapan, Flicker ang kinakailangan para mas ma-activate at madagdagan ang kaniyang mobility. Maaari rin itong gamitin para ma-extend ang range ng kaniyang ultimate na Feathred Air Strike. 

Malaki ang role niya sa team fights, pagpitas ng kalaban, at pagselyo ng objectives 

Bakit si Pharsa lang ang magandang mage hero na gamitin pang-RG sa Mobile Legends
Credit: Moonton

Kayang magdulot ni Pharsa ng malakas na damage mula sa malayo sa malaking area gamit ang Feathered Air Strike, kaya’t lamang na agad ang kanyang koponan pag dating sa clash. Bukod dito, may maganda rin siyang crowd control abilities gamit ang Curse of Crow at Spiritual Unity, at extra damage spell na Energy Impact. 

Maasahan din siyang hero para makapitas ng kalaban, ano man ang phase ng laban. Maganda siyang ipares sa mga roamers na may mga crowd control, gaya nina Franco, Khufra, at Kaja.

Sa lane, gamitin ang kanyang skills pang-poke para makalamang. Ang pag-ubos ng resources ng kalaban ay magdudulot sa inyong kalamangan pag dating sa Turtle o Lord fight.

Madali gamitin at hindi mahirap bagayan ng kakampi

Bakit si Pharsa lang ang magandang mage hero na gamitin pang-RG sa Mobile Legends
Credit: Moonton

Ang huling dahilan kung bakit solido si Pharsa para ipang-grind sa rankged games ay dahil hindi siya mahirap matutunan. Sa paggamit ng kaniyang abilidad ay napakadali nang gamitin ng kaniyang mga skill combos. 

Pwede mo muna unahin gamitin ang Curse of Crow pagkatapos ay i-activate ang stun effect na may burst damage galing sa Feathered Air Strike o ‘di naman, Energy Impact. Pwede mo rin ma-chase down ang target mong kalaban o kaya lumipad palayo pagkatapos mong patayin ito gamit ang Wings by Wings. 

Maganda talagang gamitin si Pharsa lalo na kung gusto mo pang mas lumakas na walang inaalalala patungkol sa mechanics. Ang kailangan mo lang gawin ay magpokus sa pag-control ng kaniyang Feathered Air Strike at tamang position para sa team fights para mas ligtas kang magamit ang spells at ultimate. 

Pasok din sa kahit anong team composition si Pharsa dahil pwede siyang ilagay sa gold lane kung mayroon ng jungle marksman o kaya taga-push ng mga turrets. 


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player