“Ano ang Mobile Legends core?” Sumagi na ba yan sa isip mo?

Siguro yung mga pamilyar sa Mobile Legends ay alam ang kasagutan dito. Nguniot meron pa ring ilang players na hindi alam ang ibig sabihin nito.

Susubukan naming sagutin ang tanong na yan at ipaliwanag kung ano ang papel ng core sa Mobile Legends.

Ano ang core sa Mobile Legends?

MLBB Ling core
Credit: Moonton

Ang core ay isang term para sa isa sa mga roles, kadalasan itong tinatawag na carry sa mga MOBA games. Tulad ng ibang roles, importante ang core sa bawat game.

Kung ikukumpara sa football, ang core ay ang striker na responsible sa pagkuha ng puntos. Kaya ang role na ito ay ginagampanan ng mga heroes na may mataas na damage.

Ang mga marksman at assassin ang kadalasang pinipili para sa role na ito, ngunit sa ibang pagkakataon, nagiging core din ang mga fighters.

Papel ng core sa Mobile Legends

MLBB Granger core
Credit: Moonton

Pag-secure ng objectives

May tatlong pangunahing objectives sa Mobile Legends, ang Turtle, ang Lord, at mga turrets. Trabaho ng core na kunin ang mga objectives para manalo ang team.

Sa pagpatay ngTurtle, makakakuha ang team ng gold, EXP, at shield. Ang gold at EXP ay mahalaga sa pagpapalakas ng team.

Ang Lord ay nagbibigay din ng gold at EXP, ang pinagkaiba lang ay tumutulong ang Lord upang sirain ang mga turrets ng kalabang team. Bukod pa dito ay pinapalakas din ng Lord ang mga minons ng team.

Ganking

Isa pa sa mga trabaho ng core ay ang pag-gank. Ang gank ay ang pagtutulungan ng dalawa o higit pang heroes upang patayin ang kalabang hero. Importante ang gank dahil nagbibigay ang bawat kill ng gold at EXP.

Ang mga kalaban na napipitas ay kinakailangan ding maghintay ng kanilang respawn time upang makabalik sa game. Sa mga oras na ito, dehado ang kalaban dahil outnumbered sila. Ang pagkatalo ng isang game ay kadalasang nagaganap kapag hindi madepensahan ang base turret dahil maraming heroes ang wala sa mapa at naghihintay ng kanilang respawn time.

Damage sa kalaban

Ito na siguro ang pinakasimpleng trabaho ng core. Tulad ng ipinaliwanag kanina, ang core ang nangunguna sa pag-score, o sa kaso ng Mobile Legends, sa pagbigay damage sa kalaban.

Mas malaking damage ang maibigay ng core, mas malaki ang tsansa na mapatay ang kalabang hero. Kung kaya’t madalas piliin bilang core ang mga marksman at assassin dahil sila ang mga heroes na may malakas na damage.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.