Kasabay ng pagdiriwang sa ika-sampung season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines, inanunsyo ng Moonton ang “Hall of Legends”, ang sarili nitong bersyon ng hall of fame.

Una inihayag ang nasabing inisyatibo sa MPL PH Season 10 pre-season conference noong August 1, na naglalayon na bigyang-pugay ang MLBB esports athletes na nagsindi sa patuloy na lumalawak na MLBB eksena sa Pilipinas.

Simula September 5, magkakaroon ng pagkakataon ang fans na mag-nomina ng players na tingin nila ay nararapat na mapasok sa listahan.

“This is our way to give back to our fans while also celebrating our esports excellence since the birth of MPL Philippines,” sulat ng senior marketing manager for esports ng Moonton na si Tonyo Silva.


Mechanics ng Hall of Legends nomination

Credit: MPL Philippines

Maaaring mag-nominate ang fans sa pamamagitan ng pag-post ng videos, art cards, images, o kaya’y mga estatwa ng kanilang napupusuang players sa Facebook at Tiktok kasama ang hashtag na #MPL10LEGENDS, #LAKASNA10TO, at #MPLPhilippines sa caption.

Lahat ng manlalarong nakalahok sa Season 1 hanggang Season 10 ay maaaring mahalal dito.

Gayunpaman, hindi mabibigyan ng konsiderasyon ang mga taong dawit sa mga tangkang dungisan ang integridad ng laro o ng liga.

Para mas mapadali ang proseso ng pagpili ng fans, nagbigay ang Moonton ng tatlong aspeto na maaaring pagbasihan: strength, contribution, at legacy.

Credit: MPL Philippines

Magtatapos ang nominasyon sa October 7, at pagkatapos nito ay magkakaroon ng voting committee na bubuuin ng active players, mga coach, mga miyembro ng moonton at ng esports media ang sampung players na mahahalal sa Hall of Legends.

Gaganapin ang awarding ceremony sa playoffs sa October 22.

Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 10: Storylines, schedule, resulta, format, at saan mapapanood