Si Benedetta ang ika-100th hero na inilabas ng Moonton sa Mobile Legends: Bang Bang. Kung pagbabasihan ang kaniyang in-game profile, 8/10 ang rating ng Moonton sa kung gaano kahirap laruin.
May punto naman kung bakit ganito dahil hindi full burst damage ang kaniya niyang pakalawan, o kaya ay consistent damage output kagaya ng nagagawa ng isang marksman. Gayunpaman, bukod-tangi ang hero dahil sa kaniyang passive katuwang ng kaniyang skill set.
Skills ni Benedetta
Passive – Elapsed Daytime
Kapag hinold-down ang Basic Attack button, papasok si Benedetta sa kaniyang Swordout State at makakapag-ipon ng Sword Intent. Kung papakawalan ang Basic Attack button ng fully charged na ang Sword Intent, gagamitin ni Benedetta ang Swordout Slash sa direksyon kung saan siya nakaharap at mag-dadash forward katuwang ang (+200% Total Physical Attack) Physical Damage sa kalabang madadaanan niya.
Sa pagkakataon lamang na ito magagamit ng assassin ang kaniyang Swordout Slash. Magkakaroon din ng Sword Intent ang Benedetta kapag nakakapuntos siya ng damage sa kalaban gamit ang kaniyang Basic Attack at Skills.
Nasa kategoryang Skill Damage ito, at Physical damage naman ang magagawa nito sa kalaban. Hindi nito ma-tritrigger ang Physical o Magical Lifesteal ngunit kaya itong patungan ng Spell Vamp.
- Ang charge up bar ang espadang nasa ibaba ng health bar. Kapag napuno mo na ito at naging pula, doon lamang magagawa ng hero ang Swordout Slash.
- Maaaring mag-chain ng basic attack sa pamamagitan ng pag-relase ng basic attack button at muling pagpindot nito para mapuno ulit ang bar.
- Tandaan na tutungo ang hero sa direksyon kung saan siya nakaharap. Ibig sabihin, nakabas sa direction wheel ang pupuntahang lugar ng hero. Kinakailangan ng practice para magamay ito dahil madalas ay sa skill panels nakatutok kapag magpapakawala ng skill.
- Maaari din itong ituring bilang blink dahil kaya niyang tumagos sa mga pader gamit ng slash.
- Ulit-ulitin na mag-charge at bitawan ang Basic Attack button paglabas pa lamang ng base para muli’t’-muling makapag-dash. Sa paraang ito, mas mapapabilis ang pagpunta sa nais na ikutang lugar.
- Liban sa charge up time, walang resources ang kinakailangan dito. Magagamit din ito para makapag-dodge sa skill shots ng kalaban.
First skill – Phantom Slash
Mag-wiwithdraw si Benedetta at mag-iiwan ng shadow sa harapan niya. Pagkatapos ng maikling delay, mag-iislash paharap ang kaniyang shadow sa isang fan-shaped area kasama ng 200 – 400 (+60% Total Physical Attack) Physical Damage at 60% slow sa kalaban sa loob ng 0.5 seconds.
Sa parehong pagkakataon, mag-dadash paharap si Benedetta para mag-slash at magpapakawala ng 50-150 (+70% Total Physical Attack) Physical Damage. Kapag natamaan din ng shadow ang kalaban, may karagdagang 200% damage sa kalaban.
- Importanteng maintindihan na kung tatamaan ang kalaban ng shadow (hindi si Benedetta mismo) ang kalaban, magiging dalawang beses na mas masakit ang damage ng hero.
- Sentro ang paggamit ng hero sa skill na ito kung kaya’t dapat na gamitin ito kapag online. Subukan palaging matamaan ng shadow ang target para mas mabilis na maubos ang HP bars ng mga ito.
Second skill – An Eye For An Eye
Itataas ni Benedetta ang kaniyang sandata para salagin ang mga kalaban, kung saan magkakaroon din siya ng control immunity at damage block sa loob ng 0.8 seconds. Pagkatapos nito, susundot siya gamit ang kaniyang espada sa isang direksyon na may kasamang 300(+80% Total Physical Attack) Physical Damage.
Kapag tagumpay ang hero na masalag ang damage ng kalaban, mapupuno din ang kaniyang Sword Intent. Kapag naman naiwasan niya ang control effects, may stun na katuwang ang kaniyang pagtusok sa loob ng 1.5 seconds.
- Swabe ang skill effects ng An Eye for An Eye dahil control immunity and damage block ang katumbas nito. Ito rin ang rason kung bakit dapat maging matalino sa paggamit nito dahil mataas ang cooldown ng skill.
- Blink ability din itong maituturing kung kaya’t maganda rin itong gamitin para pumosisyon sa mga laban.
Ultimate – Alecto: Final Blow
Susundot paharap si Benedetta matapos ang maikling delay (invincible siya habang nag-dadash) at magbibigay ng 70% slow effect sa mga kalabang madadaanan niya sa loob ng 1 second.
Pagkatapos ng dash, papakawalan niya ang Sword Intent sa dadaanang espasyo sa loob ng 2.5 seconds, na may dalang 120-160 (+85% Extra Phusical Attack) Physical Damage at 20% slow sa loob ng 0.2 seconds.
Tips sa paggamit ng Benedetta
Huwag mabahala kung mahirapan sa mga unang pagkakataong gagamitin ang Benedetta. Talagang komplikado ito sa una dahil sa natatangi nitong skill set ngunit kung magsasanay ng maigi ay siguradong ma-mamaster ang paghawak dito. Kritikal ang pag-eensayo sa pag-charge up ng passive niya para magamit ang Swordout Slash dahil bukod sa damage ay positioning din ang maiaambag nito sa gameplay.
Bawat skill ng assassin ay nagbibigay ng mobility sa kaniya. Kung susumahin, mayroong apat na movement skills, at mas lalo itong magiging kapansin-pansin kapag nag-charge up ang passive sa laban. Gamitin ang mobility na ito para makalamang.
Mainam din na pagmasdan ang initiation ng tank ng team ng sa gayon ay makahanap ng anggulo para malikuran ang kalaban o di kaya naman ay para ma-activate ang Alecto: Final Blow sa mas crowded na espasyo.
Gayunpaman, hindi kinakailangan na palaging makalapag sa lugar kung saan mas maraming heroes. Dahil isang assassin si Benedetta, trabaho niyang makapunta sa malalambot na targets para madali itong mawala sa teamfights. Gamitin ang mobility ng hero para maglabas-pasok sa laban, at subukan laging makapasok sa backlines.
Best emblem
Bilang assassin, pinaka-mainam pa rin na kumuha ng Assassin Emblems para sa hero. May ilang magagandang opsyon dito na nakadepende sa playstyle na gustong laruin. Maaaaring maglagay ng points sa Agility para sa adisyunal na movement speed, o Mastery para sa importanteng cooldown reduction para makapagpakawal ng mas maraming skills.
Para sa Physical penetration, uubra ang Invasion o Spell Vamp na makukuha sa Blood Thirst emblem.
Kung lifesteal ang gustong bigyan ng pansin, maganda rin ang epekto ng nasabing emblem. Ngunit sa kabuuan, Killing Spree pa rin ang pinaka-angkop sa Benedetta dahil bukod sa makakakuha ka ng adisyunal na HP kapag nakapatay ng kalaban, may movement speed din itong buff.
Best build para kay Benedetta
Sa usaping item build, nakadepende sa playstyle at role ang maaaring buuin para sa hero. Ngunit pinaka-tipikal sa lahat ang pagkuha ng Bloodlust Axe para sa spell vamp, at War Axe para sa all-around buffs nito.
Tipikal ngayong binibigyan ng defensive items ang hero para mas makatagal sa team fights. Maaaring bilihan ang Bendetta ng Bruteforce Breastplate para sa HP at armor at adisyunal na movement speed, gayundin ang Immortality para sa insurance sa late game. May pagkakataong din binubuuan ang Dominance Ice ang hero para sa kunat kontra sa physical damage heroes.
Kung gustong pagulungin ang opensiba, magandang opsyon ang Malefic Roar o di kaya naman ay Blade of Despair.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang MLBB Guides.
BASAHIN: Tank Benedetta ni Wise pinanatiling undefeated ang Blacklist International sa MPL PH S10