Matapos magapi ng tatlong-sunod na pagkakataon sa pagsisimula ng second half ng MPL Philippines Season 10, makakabalik na ang ONIC PH sa win column.
Ito ay matapos bigyan ng mabilis ang Nexplay EVOS na binagsakan nila ng 2-0 sweep sa Day 2 ng Week 6 ng gumugulong na season.
Der at Nets kumamada para sa ONIC PH kontra Nexplay
Sinubukang dalhin ng Nexplay ang momentum galing sa kanilang panalo noong nakaraang linggo papunta sa tapatan kontra ONIC PH. Gayunpaman, hindi nagawa ng Neon Tigers na basagin ang Yellow Hedgehog team na pinatunayan ang kanilang husay sa objective-centric na istilo ngayon.
Nakuha ng koponan ni Kenneth “Nets” Barro ang kalamangan sa unang bahagi ng laro sa unang mapa sa pamamagitan ng malinis na execution papunta sa objective-takes. Dehado man ay hindi nanatiling matikas ang NXPE sa likod ng kanilang kapitan na si Jeniel “YellyHaze” Bata-anon.
Hawak ang kaniyang paboritong Xavier pick, muli’t-muling inalog ni YellyHaze ang balanse ng laro gamit ang Dawning Light ultimate para sa pokes, na nagbukas ng puwang para maka-angat ang kaniyang team sa Lord pit para makapag-contest.
Umasa ang Nexplay na maseselyo nila ang positioning sa Lord fight, ngunit bago pa man mangyari ito ay matalinong flank ni Lander “Der” San Gabriel sa ika-20 minuto ng laro ang tuluyang pumuksa sa pag-asa ng Neon Tigers. Ubos ang apat na miyembro ng NXPE sa mga sapak ng Paquito ni Der na nagbigay-daan sa martsa ng ONIC PH sa base ng kalaban.
Nagtala ang beterano ng disenteng 3/1/2 KDA papunta sa MVP of the game gantimpala.
Kung anong gilas ang ipinakita ng ONIC PH players in-game ay gayon din ang ipinakitang galing ni Mark “Coach Bluffzy” Reyes sa drafting pagdako ng game two. Matalinong Popol and Kupa pick ang ipinahawak niya kay Nets para tapatan ang Beatrix ng NXPE.
Katuwang ang Lolita, Selena, Julian at Esmeralda, hindi nakaporma ang kanilang mga katunggali na maaga nilang pinugo sa laning, turtle takes at tower pushes. Wala ni isang miyembro ng Nexplay ang nagawang makapigil sa PNK ni Nets na kalaunan ay nakapagtla ng malinis na 7/0/1 KDA papunta sa MVP of the game award.
Dahil sa panalo, makukuha ng ONIC PH ang kanilang ika-anim na panalo sa sampung laro katumbas ng 18 points, sapat para manatiling nasa top half ng regular season standings.
I-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa pinakahuli sa MPL PH.
BASAHIN: Karina ni Demonkite naka-Savage para mabaliktad ng RSG ang TNC