Walang bakas ng nerbyos ang pagbubukas ng ONIC Esports sa kanilang kampaniya sa Knockout Stage ng M4 World Championship sa harap ng kanilang home crowd.

Dumagundong ang Tennis Indoor Stadium Senayan sa Jakarta mula sa sigawan at palakpakan ng fans pagkaraang sagasaan ng MPL Indonesia champions ang Falcon Esports ng Myanmar, 3-0, para tumulak papunta sa Upper Bracket Semifinals.


ONIC Esports pinugo ang Falcon Esports, 3-0

Credit: Moonton

Bagamat inasahan na magiging dikdikan ang unang serye sa Knockouts, hindi nagawa ng Falcons na maka-arangkada matapos muli’t-muling daragin ng makamandag na pick-off composition ng ONIC Esports sa game one at two.

Mistulang walang tira ang mga miyembro ng Myanmar team na binaon ng Yellow Hedgehogs sa magkasunod na 15-6 at 17-4 kill scores para kuhanin ang 2-0 lead.

At kahit pa nabigyan ng buwelo ng Natalia ni Min “Naomi” Ko ang koponan sa huling laro, hindi nakapalag ang mga Burmese sa desimuladong teamplay ng home team sa likod ng pamemeste ni Gilang “Sanz” hawak ang paborito niyang Lylia.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Pagkaraan ng inantabayanang serye, inamin ni Ronaldo “Aldo” Lieberth na mas kumpiyansa daw talaga ang kaniyang koponan sa ganitong format kumpara sa best-of-ones. “We’re feeling good, we are much better in best-of-fives,” banggit ng coach sa post-game interview.

Sa parehong panayam, ikinuwento din ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol ang naging karansan kaharap ang tinaguriang dark horse ng torneo. Kahit pa dominanteng play ang isinalang sa unang dalawang laro, pag-aamin niya, lumabas ang nabuo niyang chemistry katuwang ang ibang ONIC Esports members sa isang pagkakataon sa decider.

“I just felt very excited [playing them]. And when i made a mistake in game 3, I mis-clicked. My team, we just moved on.”

Ukol naman sa pamosong Natalia pick ng Falcon, handa naman daw ang koponan na kaharapin ito ani ni Denver “Coach Yeb” Miranda. “I think we are ready for that strategy, because as you know, Kiboy is also playing natalia. I mean he can play Natalia. I think we we’re ready.”

Tugon naman ni Nicky “Kiboy” Fernando dito, I can Nata too right, I know a stronger Nata (which is) Baloyskie. I learned so many from Baloyskie, and Naomi too.

Sa panalo aangat ang ONIC Esports sa susunod na round para harapin ang mananalo sa serye ng ECHO at Team HAQ.

Samantala, mahuhulog naman sa lower bracket ang Falcon Esports at makakatapat ang mananalo sa labanan ng RSG SG at S11 Esports.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: ECHO sa Team HAQ bago ang UB dikdikan sa M4: ‘Madami pa silang ilalabas na rotation kasi sobrang dami nilang hero’