Wala pa ring bahid ng talo ang win-loss record ng ONIC Esports matapos ang ikatlong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID Season 11).

Sinarado nila ang nakaraang kampanya sa pamamagitan ng 2-1 panalo kontra Alter Ego. Bagamat naselyo pa rin ng koponan ang tagumpay sa serye, kapansin-pansin ang pagkatalo nila sa ikalawang mapa ng serye na tumagal lamang ng higit sa 10 minuto.

Nag-trial and error daw ang ONIC Esports kaya nakasilat ng 10-minute game ang Alter Ego
Credit: ONE Esports

Nakagugulat ito para sa ONIC lalo na’t kakawalis lang nila sa RRQ Hoshi bago sumabak kontra sa tropa ni Eldin “Celiboy” Putra.

Pagkatapos ng laban, nakapanayam ng ONE Esports si Denver “Coach Yeb” Miranda ukol sa naturang laro.

Nag-trial and error daw ang ONIC Esports kaya nakasilat ng 10-minute game ang Alter Ego
Credit: ONE Esports

Ipinahiwatig niyang nag-trial and error o nag-experiment ang ONIC. Dahil dito kaya naging mas nahirapan silang kunin ang panalo kumpara noong kaharap nila ang King of Kings.

“Actually, this match is as difficult as RRQ. They’re both good teams. It’s just that we tried a new hero composition. Luckily, they were ready to play it and we were able to win,” paliwanag ni Coach Yeb.



Ang mga hero na ginamit ng ONIC Esports kontra Alter Ego

Nag-trial and error daw ang ONIC Esports kaya nakasilat ng 10-minute game ang Alter Ego
Credit: Moonton

Kung tutuusin, wala namang masyadong nabago sa draft ng ONIC Esports.

Gloo ang ginamit ni Muhammad “Butsss” Sanubari sa lahat ng tatlong laro, Kadita at dalawang Valentina naman kay Gilang “SANZ”, Karrie, Melissa, at Harith kay Calvin “CW” Winata, habang Khufra, Natalia, at Chou naman kay Nicky “Kiboy” Fernando.

Kung talaga susuriin, si Kairi “Kairi” Rayosdelsol lang ang naglabas ng hero na hindi masyadong nagagamit sa kasalukuyang meta. Matapos niya kasing gumamit ng Fanny at Martis sa unang dalawang mapa, nag-Paquito naman siya para maselyo ang tagumpay ng kanyang koponan.

Ngayong pinangingibabawan ng ONIC Esports ang standings, ‘di malabong mageksperimento pa sina Coach Yeb sa kanilang hero composition.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ang ultimate Miya combo na panggulat sa mga kalaban