Mistulang ONIC Esports lamang ang koponan sa MPL Indonesia Season 10 na desimulado ang galaw kontra sa bawat koponang kalahok sa liga. Kaya naman, hindi na kagulat-gulat sa mga miron na matagpuan ang team na ito sa rurok ng regular season standings.
Dalawang ulit lamang nagapi ang Yellow Hedgehog team sa first half ng season, at isang beses lamang napatid sa huling bahagi nito. At kahit pa nasa ganitong katayuan ay mapapansin na nananatiling determinado ang koponan na ipakitang muli’t-muli ang husay ng kanilang laro.
Ngunit ano nga ba ang rason kung bakit ganito na lamang ang tirada ng ONIC Esports ngayong season? Kasabay ng paglakas ng ibang teams sa liga, bakit nanatiling matibay ang koponan sa itaas ng standings?
Coach Mars, Pohan inilahad ang mentalidad ng ONIC Esports ngayong MPL ID S10
Ekslusibong nakapanayam ng ONE Esports ang coach ng team na si Ahmad “Coach Mars” Marsam katuwang ng manager na si Pohan na inilahad ang dinamiko ng koponan na naging susi tagumpay na natamasa nila sa regular season.
“I appreciate the commitment, Mars, Aldo and Coach Yeb in building this team. Because we have different views on this matter. ONIC Esports does not view winning and losing as the main output,” paliwanag ni Pohan.
Ang importante daw na sukatan nila sa pag-unlad ng team ay ang improvement ng galaw nila bilang isang unit. “If there is a moment we lose, but the three coaches consider it as a lesson, and we try hard and improve, that’s okay.”
“These three coaches are really focused on preparation, progress and discipline. It’s incredible. Our commitment is not only in the game, but outside the game,” dagdag pa ng team manager.
Para naman kay Coach mars, malaking tulong ang mga natanggap nilang pagkatalo para bumulusok sa ibabaw ng regular season.
“We don’t want to lose. We have experienced defeat in M3, Season 7, as well as in MSC. Our performance was not very good at that time. We really don’t like that. Losing is not good. As much as we try to avoid that by always giving the best of the process and progress, we give everything,” Mars explained.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Hindi RRQ Hoshi! Pinangalanan ni Kiboy ang inaabangan niyang team sa MPL ID S10 playoffs