Tagumpay ang ONIC Esports sa MPL Invitational 2022 (MPLI 2022). Ito ang kanilang ikalawang sunod na tropeyo mula sa ONE Esports tournament. Muli ay pinatunayan ng Team Hedgehog ang kanilang taglay na husay.

Natunghayan ng marami ang lakas nina CW at ng kanyang mga kasama sa MPL ID S10. Sa gitna ng hirap na kanilang pinagdaanan sa tournament, puspusan nilang ginapang ang daan patungo sa championship. Masasabing kinatay nila ang RRQ Hoshi sa grand finals hanggang sa wala nang magawa ang mga ito.



Nakakabilib na ananatiling seryoso ang ONIC sa kanilang paglalaro sa MPLI, samantalang hindi naman pinadala ng RRQ ang kanilang main team na Hoshi. Hindi man pinakita ng ONIC ang duo nina Kiboy at Sanz, pinatunayan naman nina SamohT at Drian na kaya nila itong tumbasan. Napatunayan nila ang kaya nilang gawin sa MPLI.

Maging ang BREN Esports at Todak na may magandang performance sa nagdaang tournament ay tinalo ng ONIC.

ONIC Esports MPLI 2022 Champions
Credit: ONE Esports

Sa grand finals match, kung saan lumamang ang Geek Fam sa score na 2-0, nagawa ng ONIC Esports ang kanilang kauna-unahang reverse sweep mula noong MPL ID S8. Nakagawa sila ng comeback upang siguruhin ang titulo.

ONIC Esports nagseryoso sa MPLI 2022 dahil dito

Pagkatapos ng match, nagkaroon ng eksklusibong panayam ang ONE Esports sa buong team ng ONIC Esports kabilang ang mga coaches na sina Mars at Aldo. Tinanong din namin ang tungko  sa pagiging seryoso nila sa tournament na ito, sa kabila ng usap-usapang hindi ibinigay ng ibang teams ang kanilang isandaang porsyento.

“We never got a small or big tournament. It’s all the same because we are professional and give our best. We don’t want to underestimate, the mindset shouldn’t be like that,” sabi ni Aldo.

ONIC Esports Yeb Aldo Mars
Credit: ONE Esports

“Because if we’ve started to put things together, in the future, it’s like that. So we continue to be all-out in all tournaments,” dagdag pa niya.

Mahalaga para sa ONIC ang maging kampeon ng MPLI 2022 ayon kay Mars. Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang nagaganap na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

“This MPLI 2022 champion increases ONIC Esports’ mentality and confidence. The matches in MPLI also made us learn a lot for M4 later. Because there are favorite teams also in M4 in MPLI such as ECHO, so we can also watch and monitor them,” ayon kay Mars.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.