Nanumbalik na sa tugatog ng MPL Indonesia ang ONIC Esports. Espesyal ito para sa mga miyembro ng organisasyon, dahil bukod sa korona at M4 representation ay patunay ito na may bunga ang pagsugal nila sa Filipino imports papunta sa kanilang hanay.
Sentro sina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at Denver “Coach Yeb” Miranda sa tagumpay ng ONIC Esports na malaki ang ginampanan para mapagulong ang brilyanteng kampaya sa regular season, bago pumukol ng matikas na laro sa grand finals at makuha ang tropeyo— ang tropeyong naging mailap sa kanila sa kanilang kampanya sa Pinas.
Kaya naman gayun na lamang ang lugod ng dalawa sa kampeonato, ngunit naging mas makabag-damdamin ang mga sandali matapos ang grand finals nang samahan sina Kairi at Coach Yeb ng mga dati nilang kakampi sa ONIC PH para sa selebrasyon.
Hindi maikakaila na pamilya ang turingan ng ex-ONIC PH group. Nakita sa eksena ang Geek Fam ID roamer na si Allen “Baloyskie” Baloy, EVOS EXP laner na si Gerald “Dlar” Trinchera, Bigetron Alpha gold laner na si Marky “Markyyyyy” Capacio na naki-isa sa tagumpay ng dati nilang jungler at coach.
ONIC Esports tagumpay sa MPL ID! Ex-ONIC PH stars nagkaroon ng mini reunion
Bago pa man makuha ng ONIC Esports ang tagumpay kontra RRQ Hoshi sa grand finals ay ipinakita na ng dating ONIC PH players ang kanilang suporta kina Kairi at Coach Yeb. Ngunit ilang sandali matapos makuha ng Yellow Hedgehog team ang dominanteng 4-1 panalo ay direktang lumapit sina Markyyyyy, Baloyskie at Dlar para makisaya.
Hindi maikakaila ang sayang naramdaman ni Kairi dahil bukod sa una niyang MPL tropeyo ay hinirang din siya bilang Finals MVP, na maglalagay sa kaniya sa tugatog ng liga makaraang makuha rin ang Season MVP awards.
Sundan ang pinakahuli tungkol sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Kairi inialay ang MVP at pagpasok sa M4 para sa kapwa Pinoy players sa Indonesia