Nauwi ang maiinit na salpukan sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) sa harapang RRQ Hoshi at ONIC Esports.
Hindi nagpapigil ang dalawang koponan sa pagtala ng malulupit na plays. Kumana ng Savage ang midlaner ng RRQ Hoshi na si Deden “Clayyy” Nurhasan, habang bumida naman si Calvin “CW” Winata gamit ang Lesley.
Matapos ang limang games, nagawang agawin ng ONIC Esports mula sa RRQ Hoshi ang kampeonato, sa iskor na 4-1.
Clayyy naitala ang unang Savage sa MPL ID S10 playoffs
Nilista ni Clayyy ang kauna-unahang Savage sa playoffs ng MPL ID S10 gamit ang Valentina.
Malaki ang pinanghahawakang kalamangan ng RRQ Hoshi nitong naturang laro. May Lord na nagmamartsa sa bottom lane, habang pine-pressure naman ng kanilang mga miyembro ang top lane.
Nagsimula ang laban nang mahuli ni Nicky “Kiboy” Fernando ang Lancelot ni Albert “Alberttt” Iskandar. Tagumpay mang napitas ito ng ONIC Esports, pinagbayaran naman nila ito nang isa-isa silang kitilin ng Valentina ni Clayyy.
Tatlo agad ang nakuha ng naturang midlaner matapos ang kanilang counter-initiation. Sinubukang tumakas ng mga natitirang miyembro pero naselyo ni Clayyy ang kanyang Savage sa tulong ng Arcane Shade.
Lesley ni CW sinelyo ang kampeonato ng ONIC Esports
Lamang ng 3-1 pagpasok sa ikalimang mapa, biglang nilabas ng ONIC Esports ang Lesley, isang marksman na nabigyan ng revamp noong nakaraang patch.
Hindi naman naging ganoon kadali ang laning phase para kay CW. Pero napatunayan ng gold laner ng national esports team ng Indonesia na kayang-kaya pa niya ito baligtarin matapos magtala ng Maniac.
Sinelyo nito ang kampeonato ng ONIC Esports.
Samantala, magkasama namang irerepresenta ng ONIC Esports at RRQ Hoshi ang Indonesia para sa paparating na M4 World Championship, na gaganapin sa parehong bansa simula ika-1 ng Enero.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: #ReclaimTheCrown: Blacklist International ang kampeon ng MPL PH Season 10!