Ipinamalas ng ONIC Esports ang husay ng kampeon ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) matapos nilang ilaglag ang BREN Esports sa quarterfinals ng ONE Esports MPL Invitational 2022 (MPLI 2022).

Bilang kampeon ng naturang rehiyon, nakarekta sa round of eight ang koponan nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol. Kinailangan namang gapangin nina Kyle “KyleTzy” Sayson ang kanilang puwesto matapos ilaglag ang Bigetron Alpha at EVOS Legends.

‘Di biro ang pinagdaanan ng BREN Esports bago makaharap ang ONIC Esports kaya’t tiniyak ng mga hedgehog na paghandaan ang naturang pambato ng Pilipinas.

Mid Akai ng ONIC Esports ginulat ang BREN Esports sa MPLI 2022

Agaw-atensyon ang draft strategy na 'to ng ONIC Esports sa MPLI 2022
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Matapos ang pagsasalitan ng panalo sa unang dalawang mapa ng serye, lalong nag-init ang girian sa pagitan ng ONIC Esports at BREN Esports sa drafting phase pa lang ng game three.

Binuksan nina Coach Ronaldo “Aldo” Lieberth at Ahmad “Mars” Marsam ang kanilang draft sa pag pili ng Akai, Lolita, at Beatrix. Nai-flex nila ang Akai, dahilan para bumwelta si Coach Francis “Duckey” Glindo ng Gusion, Mathilda, Ling, at Irithel.

Sa huling picking phase na ibinunyag ng ONIC Esports ang kanilang baon. Imbes na kasi pumili ng mage para at EXP Lane, bigla silang naglabas ng Aamon at Paquito para kumpletuhin ang kanilang draft. Imbes, sa midlaner nilang si Adriand “Drian” Wong pinahawak ang Akai.

Agaw-atensyon ang draft strategy na 'to ng ONIC Esports sa MPLI 2022
Credit: Moonton

Matapos ang laban, ibinahagi ni Coach Aldo ang kanilang paliwanag ukol sa nasabing pick.

“Kami telah mencobanya (Akai mid) di scrim dan berjalan dengan baik dan kami ingin mengetahui apakah bisa dilakukan di turnamen resmi, dan (kenyataannya) berjalan dengan mulus,” paliwanag niya.

(Nasubukan na namin ito [Akai mid] sa scrim at gumana talaga siya kaya sinubukan namin kung gagana rin na ‘to sa opisyal na tournament, at tulad ng nakita natin, maganda ang kinalabasan nito.)


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ito ang komento ni Tryke pagkaraang magapi ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022